• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakatanggap ng mamahaling singsing si KZ Tandingan mula kay Regine Velasquez.

TINGNAN: Regine Velasquez, niregaluhan ng mamahaling singsing si KZ Tandingan

Nakatanggap ng mamahaling singsing si KZ Tandingan mula kay Regine Velasquez.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/22/2021 06:51 PM
TINGNAN: Regine Velasquez, niregaluhan ng mamahaling singsing si KZ Tandingan
Photo credit Jasmin Ignacio Pallera Instagram

Muling pinatunayan ng nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ang pagiging mapagbigay nito matapos regaluhan ng isang diamond na singsing ang Soul Supreme na si KZ Tandingan. 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng isa sa mga supervising producers sa ABS-CBN na si Jasmin Ignacio Pallera ang ilang kuha backstage nina Regine at KZ na magkasama sa ASAP Natin ‘To episode nitong Linggo, November 21.

Proud na ipinakita ni KZ ang mamahaling singsing na ibinigay sa kanya ni Regine.


Sharon Cuneta, binigyan si Regine Velasquez ng mamahaling diamond ring

Ani Jasmin, casual ang naging pag-abot ni Regine ng singsing kay KZ bago ang kanilang naging performance. 

“A Sana All Moment,” saad ni Jasmin sa kanyang caption. 

 

 

Noon pa man, mahilig nang mamigay si Regine ng mga mamahaling bagay sa mga nakakasama niya sa katrabaho.

Samantala, matatandaang nakatanggap naman noong taong 2018 si Regine ng isang mamahaling diamond ring kay Megastar Sharon Cuneta.