• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinasal na si Trina ‘Hopia’ Legaspi sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend.

Trina ‘Hopia’ Legaspi, kinasal na

Ikinasal na si Trina ‘Hopia’ Legaspi sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/21/2021 06:50 PM
Trina ‘Hopia’ Legaspi, kinasal na
Photo Credit: @manalojohn and @dmetroman on Instagram

Ikinasal na ang dating Goin’ Bulilit star na si Trina ‘Hopia’ Legaspi sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Ryan Jarina nitong Sabado, ika-20 ng Nobyembre.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni John Manalo ang litrato nina Trina at Ryan sa reception ng kanilang kasal. 

Read:Trina Legaspi seeks prayers as family contracts COVID-19


Present din sa pag-iisang dibdib ng dalawa nag ilan sa mga malalapit pang kaibigan ni Hopia na dati ding mga miyembro ng Goin’ Bulilit gaya nina CJ Navato at Igi Boy Flores. 

Congratulations, Hopia,” sambit ni John sa caption ng kanyang post. 

 

 

Samantala, ilan lamang sina Michelle Vito, Angeli Gonzales, at Liza Soberano sa mga bridesmaids ni Trina sa kanyang kasal. 

Sa litrato na ibinahagi ni Oli Ruiz, makikitang kasama ni Trina ang kanyang “squad” bago ang naganap na kasal. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Oly Ruiz (@dmetroman)

 

Mas maaga dapat ang kasal ni Trina ngunit nausog ito matapos magkaroon ng COVID-19 Ang kanyang pamilya.

Na-engage si Trina Nobyembre noong nakaraang taon. 

Read:‘It’s worth the wait’: Former ‘Goin’ Bulilit’ star Trina ‘Hopia’ Legaspi gets engaged to longtime boyfriend

Unang nakilala si Trina bilang Hopia sa sikat na kiddie gag show ng ABS-CBN na Goin’ Bulilit.

Lumabas din ito sa mga programa gaya ng Luv U, Nathaniel, A Love To Last, at iba’t-ibang episodes ng Maalaala Mo Kaya at Ipaglaban Mo.