• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy de Leon reveals some of the preparations he did for his musical film.

McCoy on doing a musical film: ‘Sana hindi ito yung first and last ko’

McCoy de Leon reveals some of the preparations he did for his musical film.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/21/2021 04:20 PM
McCoy on doing a musical film: ‘Sana hindi ito yung first and last ko’
Photo credit: @mccoydeleon Instagram

Kumanta at sumayaw si McCoy de Leon sa musical film na Yorme na idinirek ni Joven Tan at prinodyus ng Saranggola Media Productions. Ayon sa aktor first time niyang gumawa ng ganitong klaseng pelikula.

“Iba pag musical, kasi bukod sa pag-arte kailangan mo ring kumanta. Tapos yung kanta mo hindi naman familiar yung melody niya kasi mga original song siya kaya kailangan mo talagang aralin,” reaksyon ng aktor tungkol sa role niya sa bagong film project.

Patuloy niya, “Buti na nga lang din may experience ako sa theater dati na nagamit ko rin dito sa Yorme. Kasi kapag musical importante yung laki ng bibig, dapat nakikita yung sinasabi mo, tapos yung galaw mo.


“Kakaibang experience ito for me and sabi ko nga kay Direk Joven sana hindi ito yung maging first and last ko.”

Sanay sa mundo ng teatro si McCoy dahil bago siya nabigyan ng break sa Be Careful With My Heart ay exposed siya sa stage play dahil may theater group ang kanyang ama.

“Gusto ko ngan makabalik din sa theater kapag may pagkakataon kasi yon yung buhay din ng tatay ko, eh. Alam kong yon ang kasiyahan niya kaya sana soon magawa ko rin yon,” he said.

READ: Elisse Joson, McCoy de Leon mark seven-month birthday of baby Felize

Habang tumatagal ay mas tumitindi rin ang passion ni McCoy sa pag-arte na kinakitaan ng potensyal sa ABS-CBN series na The Good Son.

“Siguro kahit pagbali-baligtarin man ang mundo ay dito pa rin ako magiging masaya sa pag-arte. Dahil din dito kaya ko natutulungan ang pamilya ko,” maikling pahayag ng bida ng Yorme na aminadong mas inspiradong magtrabaho ngayon dahil sa panganay na anak nila ni Elisse Joson.

Ibinahagi naman ni McCoy ang memorable scene niya sa musical film na ipapalabas sa mga sinehan sa December 1, 2021.

“May isang kanta ako sa Yorme na sobrang happy, sobrang uplifting yung feeling. Ito yung ‘Artista Na Ako’. Same din kasi yung naramdaman ko nung pini-perform ko yung kanta do’n sa na-feel ko dati nung nagsimula pa lang akong mag-artista.

“Pagdating naman sa paghahanda, bago ako matulog pinapakinggan ko talaga yung kanta. Paulit-ulit sa phone ko, sa computer, sa kotse. Kasi alam ko sa sarili ko na kailangan kong gawin yon kasi pag nagpa-relax-relax lang ako hindi ko mabibigyan ng hustisya yung role ko. Kaya dugo’t pawis din talaga siya. 

“Pero pag nando’n na… iba talaga pag nando’n na, eh. Si Direk Joven talaga yung naging instrument ko para magawa ko yon nang maayos. Meron ding mga kanta na sumasayaw ako,” paliwanag ni McCoy.

READ: Elisse Joson asks McCoy de Leon’s mom: ‘Approved na po ba kami sa inyo?’

Si Joven Tan bukod sa pagiging direktor ay isa ring award-winning songwriter at hitmaker. Siya ang grand champion ng Himig Handog P-Pop Love Songs noong 2013 para sa kantang “Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa” interpreted by Ice (then still Aiza) Seguerra. Siya rin ang composer ng kantang “Pare Mahal Mo Raw Ako” ni Michael Pangilinan.

Anyway, bukod kay McCoy ay kasama rin sa pelikula sina Raikko Mateo, Xian Lim, at mga dating miyembro ng That’s Entertainment na sina Jestoni Alarcon, Tina Paner, Monching Gutierrez, Janno Gibbs, Keempee de Leon, Jennifer Mendoza, Maricar de Mesa, at marami pang iba.