• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Charlie Dizon na posible siyang ma-attract sa kanyang ‘Viral Scandal’ co-star na si Joshua Garcia.

Charlie Dizon, posible umanong magkagusto kay Joshua Garcia

Aminado si Charlie Dizon na posible siyang ma-attract sa kanyang ‘Viral Scandal’ co-star na si Joshua Garcia.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/21/2021 08:50 AM
Charlie Dizon, posible umanong magkagusto kay Joshua Garcia
Photo credit: @charliedizon_ and @garciajoshuae Instagram

Aminado si Charlie Dizon na posible siyang ma-attract sa kanyang Viral Scandal co-star na si Joshua Garcia.

Sa Inside News ng Star Magic, nagkwento ang aktres tungkol sa kanyang karanasan na makatrabaho si Joshua sa nasabing teleserye.


"First time ko nakatrabaho si Josh. Hindi ko rin kasi alam kung ano 'yung ie-expect sa kanya bukod sa alam kong magaling siyang aktor pero nung nakasama ko po siya, totoo nga ang tsismis na magaling po siyang artista," pag-amin ni Charlie.

"Madali po siyang katrabaho kasi nagbibigay siya talaga sa eksena and tinutulungan po talaga niya ako lalo na kapag mabibigat 'yung eksena. Pinapakita niya talagang nagco-comfort siya, ganun," dagdag pa niya.

Nang matanong kung posible ba siyang ma-attract kay Joshua, ibinahagi ni Charlie ang mga katangian na gusto niya sa aktor.

"Mabait si Joshua tsaka very ano siya talaga, matulungin po siya sa mga eksena. Kumbaga madali po siyang... nakakatulong talaga siya sa trabaho," aniya.

"And ako 'yun 'yung importante eh, basta mabait sa akin, basta gentleman, and 'yung nakakatulong talaga, wala akong masabi naman po na masama, so oo."

BASAHIN: Charlie Dizon on working with Joshua Garcia: ‘At first talaga medyo awkward’

Samantala, nagkwento rin si Charlie tungkol sa kanyang karanasang makatrabaho sina Dimples Romana at Jake Cuenca sa Viral Scandal.

"Siguro si ate Dimples kasi may mga times na nakikitulog ako sa kanya sa room niya kapag halimbawa nabibigatan ako or may pinagdadaanan ako. Tapos hindi lang siya nakakatulong kasi sa eksena eh, kundi pati sa totoong buhay talaga. Grabe niya ako i-motivate. Nung mga panahon na down na down ako tapos mino-motivate niya ako, parang every gising ko feeling ko may bagong confidence na nadagdag," aniya.

"Si Jake, every time na nakakaeksena ko siya, talagang nag-uusap kami beforehand na, hindi about sa eksena, kundi about us. Kung ano na 'yung nangyayari, kinakamusta niya talaga ako if okay pa ba ako, ganyan," sabi pa niya.

Bukod kina Joshua, Dimples at Jake, masaya rin umano si Charlie na makatrabaho ang buong cast ng Viral Scandal dahil napapagaan nila ang trabaho.

"Sobrang grateful ko na sila 'yung mga kasama ko sa project na 'to kasi hindi siya talaga madali talaga. Pero dahil sila 'yung mga kasama ko, napapagaan 'yung trabaho talaga kasi lahat sila very supportive at nagbibigay talaga sa mga characters nila," ani Charlie.

Sa huli, nagbigay ng kanyang mensahe si Charlie sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya bilang aktres. 

"Ako unang una siyempre grateful po ako sa management, sa tiwala nila na gampanan ko 'tong role na 'to, and 'yung patuloy nga nilang pagtitiwala sa akin sa kada project na nagagawa ko. At sa lahat po ng tao talaga na sumusuporta sa akin, hindi ko man po nakikita lahat pero alam kong meron kaya maraming maraming salamat po," aniya.

Napapanood ang Viral Scandal gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.