• Home
  • Fresh Scoops
  • Narito na ang ilang Kapamilya on-screen partners na nagkaroon ng reunion projects.

Mga dating love teams na nagkaroon ng reunion projects Part 1 | Pushpins

Narito na ang ilang Kapamilya on-screen partners na nagkaroon ng reunion projects.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/20/2021 08:55 AM
Mga dating love teams na nagkaroon ng reunion projects Part 1 | Pushpins
Photo credit: @joross_gamboa and @mr_enchongdee Instagram

Maraming love teams at tandems ang nabubuo sa entertainment industry, pero iilan lamang ang mga love teams na nagtagal at nagagawa pa rin magpakilig kahit lumipas na ang maraming taon. Halimbawa na lamang ang mga love teams na nagkaroon ng reunion projects.   

Sinu-sino sila?    

Let's find out.    


Erich Gonzales and Enchong Dee  

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Enchong Dee (@mr_enchongdee)

Unang nagkatambal sina Erich Gonzales at Enchong Dee sa teleseryeng Katorse noong 2009.  

Marami ang kinilig sa kanilang tandem kaya't nasundan ito ng iba pang projects gaya ng 2010 movie na I Do, Tanging Yaman, at Magkaribal.  

Ang 2012 TV series na Maria La Del Barrio ang huling pinagsamahan ng dalawa bago gumawa ng kanya-kanyang proyekto. Muli naman silang nagkatrabaho noong 2018 para sa The Blood Sisters.  

In 2020, the two made a collaboration through the online series You. Me. Maybe.  

Roxanne Guinoo and Joross Gamboa  

Parehong nagsimula sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo sa reality-based talent competiton na Star Circle Quest noong 2004.  

Nagkasama rin sa mga movies at teleseryes ang dalawa kabilang na ang Can This Be Love? noong 2005.  

The two also dated in real life but broke up in 2006, and shared that it was a mutual decision to end their relationship.  

Higit isang dekada na ang nakalipas ay muling pinakilig ng JoRox ang kanilang fans sa 2021 comedy series na Hoy, Love You!  

READ: Roxanne Guinoo says her family is supportive of her love team with Joross Gamboa

Nito lamang September ay na-renew para sa second season ang kanilang series na mapapanood sa iWantTFC.  

Kim Chiu and Gerald Anderson  

Agad naman kinilig ang marami kina Kim Chiu at Gerald Anderson na unang napanood noong 2006 bilang housemates sa Pinoy Big Brother.  

Maraming hit series at movies din ang kinakiligan ng marami starring KimErald, gaya ng una nilang lead roles bilang Bokbok at Poknat sa Sana Maulit Muli.  

Nasundan pa ito ng My Girl, Tayong Dalawa, at I've Fallen For You.  

Naghiwalay man noong 2010 matapos ang kanilang apat na taong relationship ay marami pa rin ang loyal fans and supporters ng KimErald.  

Noong 2017 ay nagkaroon ang dalawa ng reunion project at muling nagtambal sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin.  

Angelica Panganiban and Carlo Aquino  

Kilala sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino bilang young loveteams na nagsimulang magpakilig noong 90s.  

Napanood ang dalawa sa youth-oriented shows na G-Mik noong 1999 at Berks noong 2002.  

The two also became sweethearts in real life, at ibinahagi ng dalawa sa isang interview na dalawang beses naging sila sa loob ng anim na taon.  

Hinintay ng marami ang kanilang comeback project na Exes Baggage na ipinalabas sa big screen noong 2018.

Noong taong din na iyon ay nagkasama ang dalawa sa seryeng Playhouse na pinagbibidahan ni Angelica.  

Panoorin ang mga on-screen partners na ito sa episode ng Pushpins.  

Kinilig din ba kayo sa reunion projects ng mga on-screen tandems na ito?