• Home
  • Fresh Scoops
  • Narito ang ilang Kapamilya on-screen partners na nagkaroon ng reunion projects.

Mga dating love teams na nagkaroon ng reunion projects Part 2 | Pushpins

Narito ang ilang Kapamilya on-screen partners na nagkaroon ng reunion projects.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/21/2021 08:00 AM
Mga dating love teams na nagkaroon ng reunion projects Part 2 | Pushpins

Maraming love teams at tandems ang nabubuo sa entertainment industry, pero iilan lamang ang mga love teams na nagtagal at nagagawa pa rin magpakilig kahit lumipas na ang maraming taon.   

Halimbawa na lamang ang mga love teams na nagkaroon ng reunion projects.    

Sinu-sino sila?     


Let's find out.    

Julia Montes and Coco Martin  

Unang nagkasama sina Julia Montes at Coco Martin sa 2012 teleserye na Walang Hanggan bilang lead stars.  

Marami ang kinilig sa CocoJul tandem kaya naman nasundan agad ang kanilang projects ng movie titled A Moment in Time.  

Makalipas ang dalawang taon ay muling bumalik sa telebisyon ang dalawa para sa kanilang roles sa primetime series na Ikaw Lamang.  

Ang Wansapanataym Presents: Yamashita's Treasure noong 2015 na umabot ng halos tatlong buwan ang huling proyekto nilang magkasama.  

Ngayong 2021 ay muling nagpapakilig ang CocoJul sa kanilang tambalan sa hit TV series na FPJ's Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco.  

Angel Locsin and Richard Gutierrez  

Isa sina Angel Locsin at Richard Gutierrez sa mga love teams na maraming pinakilig lalo na sa mga proyektong pinagsamahan nila.  

Maraming pelikula ang pinagsamahan ng dalawa bago lumipat si Angel Locsin sa Kapamilya network taong 2007.  

Makalipas ang isang dekada ay si Richard Gutierrez naman ang lumipat sa Kapamilya network.  

Ang top-rating serye na La Luna Sangre ang naging reunion project ng ChardGel noong 2017.  

Ito rin ang first major project ni Richard bilang isang Kapamilya.

Jolina Magdangal and Marvin Agustin  

Unang nagpakilig noong 90s ang tambalan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa youth-oriented show na Gimik.  

Matapos ito ay umusbong ang kanilang love team at nasundan ng mga pelikula gaya ng Flames noong 1997 at Labs Kita… Okey Ka Lang? noong 1998.  

Higit isang taon din umere ang romantic-comedy TV series ng dalawa na Labs Ko Si Babe.  

Nagkaroon ito ng spin-off movie noong 1999 titled Hey Babe! Ito rin ang huling pinagsamahan ng dalawa bago gumawa ng kanya-kanyang proyekto.  

Jolina and Marvin were once again reunited in 2015 for the afternoon series Flordeliza.  

Anne Curtis and Sam Milby  

Taong 2006 nang unang mapanood sina Anne Curtis at Sam Milby sa teleseryeng Maging Sino Ka Man, na nagkaroong ng sequel na Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik noong 2007.  

Nasundan ito ng fantaseryeng Dyosa na ipinalabas simula 2008 hanggang 2009 at ang 2010 movie na Babe, I Love You.  

Naging real-life couple rin ang dalawa at nagkaroon ng on-and-off relationship sa loob ng apat na taon.  

Matapos maghiwalay ang real-life at onscreen tandem nila ay muli silang nagkaroon ng reunion project noong 2014 sa TV series na Dyesebel.  

Kasunod nito ay pinakilig din ng SamAnne ang marami sa kanilang reunion movie na The Gifted.  

Panoorin ang Pushpins episode na ito. 

Kinilig din ba kayo sa reunion projects ng mga on-screen tandems na ito?