• Home
  • Fresh Scoops
  • Mas international audience-ready ang ‘Pornstar 2’ ayon Kay Direk Darryl Yap.

Direk Darryl Yap dinepensahan ang ‘Pornstar 2: Pangalawang Putok’ title

Mas international audience-ready ang ‘Pornstar 2’ ayon Kay Direk Darryl Yap.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/20/2021 04:03 PM
Direk Darryl Yap dinepensahan ang ‘Pornstar 2: Pangalawang Putok’ title

Ipinaliwanag ni Direk Darryl Yap sa digital presscon ng Pornstar 2: Pangalawang Putok ang dahilan kung bakit niya ginamit ang salitang “pornstar” sa title ng kanyang pelikula.  Ang Pornstar 2 ay sequel ng Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar o Pornstar 1 na pinagbibidahan ng legendary sexy stars ng Philippine cinema na sina Ara Mina, Alma Moreno, Maui Taylor, at Rosanna Roces.

“The reason why I use ‘pornstar’ is because it mirrors how society see the actors which is they’re just doing sexy. It’s actually a judgment for the  people. Ito yung parang sampal sa mukha ng mga masyadong konserbatibong tao, na pag nakitang nakikipaghalikan, may pa-bathing suit lang sa pelikula, magsuot lang ng pangsayaw na tangga sasabihin na nila malandi, pokpok na agad, pornstar, ganyan,” esplika ng controversial director.

“The Filipino people kasi, why are we very ostentatious with words now? Bakit masyado tayong conscious sa salita? Magpakita lang ng wet look sasabihin nila pornstar na. So this is actually a testament. 


“Pero dahil ginamit ko nga itong ‘pornstar’ nasa kabilang side naman sila (bashers). ‘Bakit mo gagamitin yung ‘pornstar’ eh hindi naman sila pornstar, sexy star lang sila? Ngayon, hindi na natin kailangang ipaliwanag sa kanila. So ganun lang yon, it’s just a matter of conditioning,” dagdag niyang paliwanag about the title of his film.

BASAHIN: Ara Mina, Alma Moreno, Maui Taylor at Rosanna Roces reunited sa ‘Pornstar 2’ ni Direk Darryl Yap

Marketing strategy rin daw ang pagkakaroon ng ganung title ng pelikula para sa international market nito. 

“One thing more, when the international audience see it, like yung When I Grow-up I Wanna Be A Pornstar, they already know that it’s a Filipino content.  At dahil meron na ring 70 plus territories na available ang Vivamax nanghihingi na sila ng English subtitle.

“Itong Pornstar 2 mas international ready kami, mas binigyan namin ng pansin yung mga terms. Pornstar 2: The Second Cumming ang kanyang international title samantalang sa atin naman ay ‘Pangalawang Putok,’” pahabol pa niya.

Mas nakakatawa at may mga bagong rebelasyon din daw sina Ara, Maui, Rosanna at Alma sa Pornstar 2.

 “Sa Pornstar 1, nagbanggit sila ng mga true-to-life experience nila bilang mga sexy star. Dito naman, napag-usapan nila yung mga best leading man, best kiss, mga muntik nang magkatotohanang sex scenes na gustong idiretso, mga ganyan na usapan,” sey ng direktor.

BASAHIN: Ara Mina at Rosanna Roses, excited nang makasama si Sharon Cuneta sa ‘FPJ’s Ang Probinysano’

Naikuwento rin ni Osang sa digital presscon ang tungkol dito.

Wika ng aktres, “Actually tinanong niya kami  bago niya gawin yung script, ‘Ano yung nakaraan n’yo na ibinato sa inyo pero hindi nakaapekto sa career n’yo?’ Sinabi naman namin sa kanya yon isa-isa kaya more or less totoong-totoo lahat ng nandito.

“Mas maraming puso ito kesa sa Pornstar 1. Mas mahi-hit yung mga puso ninyo dito.”

Diin naman ni Direk Darryl, “This is what I like with the four of them, aside from being great artists, they’re great human beings at nagre-reflect yon sa apat na bagong aktres.”

Sina Sab Aggabao, Cara Gonzales, Ayana Misolal at Stephanie Raz ang tinutukoy ng direktor na mga baguhang aktres na ipakikilala sa Pornstar 2. Ang apat ay gumanap ng karakter nina Gabriela, Melchora, Trinidad, at Josefa na mini-mentor nina Ara, Maui, Alma at Rosanna.

Mapapanood ang Pornstar 2 sa December 3.