• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinaliwanag ni Albie Casiño kung bakit si Brenda Mage ang bet niya na Maging PBB Big Winner.

Albie Casiño, si Brenda Mage ang napipisil na maging PBB Kumunity Big Winner

Ipinaliwanag ni Albie Casiño kung bakit si Brenda Mage ang bet niya na Maging PBB Big Winner.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/20/2021 12:02 PM
Albie Casiño, si Brenda Mage ang napipisil na maging PBB Kumunity Big Winner
Photo credit: @thestallion09 and @iambrendamage Instagram

Si Brenda Mage ang bet ni Albie Casiño para maging big winner ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10. Si Albie ay dating kasamahan ni Brenda sa PBB bago siya na-evict noong nakaraang Sabado, November 13.

Ayon kay Albie, daig ni Brenda ang ibang housemates pagdating sa kasipagan sa loob ng Bahay ni Kuya.

Ayon kay Albie sa interbyu nina Bianca Gonzalez at Enchong Dee sa PBB Kumu Live, taglay daw ni Brenda ang mga katangian ng pagiging big winner.


“Si Mama Brenda, para sa akin (ang big winner). Because nakikita ko siya, lagi siyang gumagalaw sa loob ng bahay. 

“Siya ang naglilinis ng banyo madalas. There’s eight girls in the house, so medyo nagkaka-furball sa drainage, sa mga buhok,” kuwento ng aktor sa nakikita niya kay Brenda sa loob ng PBB house.

READ: Albie Casino gets evicted from the PBB house: ‘Na-mi-miss ko sila agad’

Hindi rin daw maarte si Brenda at ginagawa ang lahat para malinis ang dumi sa banyo.

“Ako, pag nakikita ko, alam mo, ayokong hawakan iyan, medyo kadiri. Kahit baha na, bahala na. Okay lang. Maliligo na lang ako nang baha. Hindi ko na pupulutin.

“Si Mama Brenda, talaga pulot doon. Lahat ng mga dishes, nililinis. Tapos, tinanong ko nga sa kanya iyan. Kakadating ko lang, ‘Mama Brends, bakit ikaw lagi ang naglilinis?’ ‘Wala lang, gusto ko lang naglilinis ako,’” sagot naman  daw nito sa kanya.

Giit pa ni Albie, “Pero I never let her wash my stuff. Parang it was just my thing na, parang wash my own things. Because I hate washing stuff… you better do something you hate every day.”

READ: Albie Casino on his initial PBB experience: ‘I really hated it there’

Samantala, si Brenda ang naging kauna-unahang celebrity housemate na nanalong Head of Household sa PBB na nagkaroon ng immunity at naging ligtas sa nominasyon. Marami rin siyang following sa social media (YouTube at Facebook) kagaya ni Madam Inutz ng Cavite na kilala sa mundo ng online live selling.

Ayon Kay Brenda, “Nung 2019 mga November, doon na ako nag-boom. Umabot na ng P30k, P40k (ang kinikita) kasi nag Miss Q&A na ako nun eh. Hanggang sa naging P45k, P50k, P60k.

“Nitong pandemic na January, doon ako nag-boom, umabot ako ng P100k sa YouTube. Tapos sa Facebook ko, na-monetize s’ya ng January din, kumita rin ako ng P100k. Both na naka P100k Facebook tsaka YouTube,” kuwento ni Brenda sa mga housemates na ikinagulat ng marami lalo na si Eian Rances.

Dagdag pa ng komedyante, “Sa akin nasa 1 million na. Ang pera ko sa YouTube hindi ko ginagalaw. Ano siguro nasa ano na ‘yon, nasa P400,000. So ngayon nagma-monthly ako nasa P800k, ang YouTube 200k, 160k. facebook ko kumikita nang 500k-600k.”