• Home
  • Fresh Scoops
  • Alamin ang naging mensahe ng aktres na si Michelle Vito sa mga ‘Marites’ o ‘tsismosa’ na nagtatanong kung buntis siya.

Michelle Vito sa mga ‘Marites’: ‘Busog lang po ako’

Alamin ang naging mensahe ng aktres na si Michelle Vito sa mga ‘Marites’ o ‘tsismosa’ na nagtatanong kung buntis siya.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/02/2021 10:15 AM
Michelle Vito sa mga ‘Marites’: ‘Busog lang po ako’
Photo credit to @michellevito and @its_enzopineda Instagram

"Busog lang po ako.”

Ito ang naging mensahe ng aktres na si Michelle Vito sa mga "Marites" o "tsismosa" na nagtatanong kung buntis siya.

Sa Instagram, ilang netizens ang nakapansin sa tila pagtakip ni Michelle sa kanyang tiyan sa ilang retrato na ibinahagi ng kanyang nobyo na si Enzo Pineda. Kuha ang mga ito mula sa kanilang bakasyon sa isang sikat na resort sa La Union kasama ang ilang mga kaibigan at kamag-anak.


 

 

"Baby bump?" tanong ng ilang netizens sa comments section ng post ni Enzo. May ilan ding nag-comment ng "Preggy?" patungkol kay Michelle.

Sa Twitter, nilinaw ni Michelle na hindi siya buntis, at busog lamang siya noong kinuha ang mga nasabing retrato.

"Happy Monday mga marites.. gusto ko lang naman kumain.. busog lang po ako," ani ng aktres.

"So stop lunch na po kayo hays," dagdag niya.

 

 

Samantala, bukod kay Enzo ay nagbahagi rin si Michelle ng mga retrato kuha mula sa kanilang bakasyon sa La Union.

 

 

Higit isang taon nang magkasintahan sina Michelle, 24, at Enzo, 31, na unang inamin ang kanilang relasyon Agosto noong nakaraang taon. 

Sa nakaraang panayam, ibinahagi ni Michelle na ang "consistency" na ipinakita ni Enzo noong nanliligaw ito sa kanya ang dahilan kung bakit siya nahulog sa aktor. 

"Siyempre important 'yung consistency ng tao at 'yung pasensiya niya sa iyo. Siyempre hindi naman palaging okay ang relationship niyo. So doon pa lang sa ligaw stage ay tinest ko na siya and hanggang saan niya ako maiintindihan," aniya.

Ayon naman kay Enzo, nagsisilbing inspirasyon sa kanya si Michelle para maging mas mabuting tao.

"I can say that kami ni Michelle, 'yung relationship namin is stronger more than ever...Ako naman, I can't express how thankful I am kay Michelle kasi Michelle's a really good person. Napakabait, napaka-caring, napaka-sweet," aniya.

"And part of my transition and realization is because of her, kasi she's been always a good example," patuloy pa niya. "Si Michelle, papagsabihan ako niyan kung alam niyang may ginagawa akong bagay na para sa sarili ko lang, or para lang may mapansin. She always tells me na dapat gumawa ako ng bagay na may purpose palagi. Happy ako...Our relationship is really, really good."

BASAHIN: Enzo Pineda posts heartfelt message for Michelle Vito on her birthday

Nitong Pebrero ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang unang taon bilang magkasintahan. Matatandaang unang naging malapit sa isa't isa sina Michelle at Enzo nang magkatrabaho sila sa ABS-CBN series na Nang Ngumiti Ang Langit noong 2019.