• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang nakakaantig na mensahe ang ibinahagi ni McCoy de Leon para sa partner niya na si Elisse Joson at kanilang anak na si Felize McKenzie.

McCoy de Leon, may mensahe para sa kanyang mag-ina

Isang nakakaantig na mensahe ang ibinahagi ni McCoy de Leon para sa partner niya na si Elisse Joson at kanilang anak na si Felize McKenzie.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/02/2021 11:06 AM
McCoy de Leon, may mensahe para sa kanyang mag-ina
Photo credit to @mccoydeleon Instagram

Isang nakakaantig na mensahe ang ibinahagi ng aktor na si McCoy de Leon para sa partner niya na si Elisse Joson at kanilang anak na si Felize McKenzie.

Sa Instagram nitong Lunes, Nobyembre 1, isang retrato ang ibinahagi ni McCoy kasama ang kanilang anak na inilarawan niya hindi lamang bilang isang regalo mula sa Diyos kundi nagbigay ng pag-asa sa kanilang dalawa ni Elisse.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

 

"Binigay ka ng Diyos hindi lang isang regalo, binigay ka rin niya dahil binigyan mo kami ng pag-asa ng nanay mo. Nagtuloy tuloy ang pagsasamahan namin dahil sa ‘yo, kasi alam naming ikaw ang magiging dahilan kaya kami nabubuhay sa mundong ito. Walang hanggang kasiyahan ang binibigay mo sa amin. Simula nung nakita namin hanggang ngayon," aniya.

Sa kanyang post, nangako rin ang aktor na mamahalin at poprotektahan niya ang kanilang anak habang siya ay nabubuhay.

"Bawat ngiti mo nawawala lahat ng pangangamba namin. Aamin ko natatakot ako sa minsang magulong mundong ito, pero kahit anong mangyari poprotektahan kita hangga't buhay ako. Mamahalin kita nang higit pa sa sarili ko. At ngayon masayang masaya kami ng nanay mo na ipagmalaki ka sa buong mundo," aniya.

Nagpasalamat naman si McCoy sa ina ng kanyang anak na si Elisse sa pagtanggap sa kanya sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan noon.

"Para naman sa ina ng anak ko, maaring marami tayong pinagdaan simula noon hanggang nandito pa rin tayo. Nagmamahalan ng lubos, sumusugal sa lahat ng maaring mangyari at tinaggap ang bawat isa lalo na ako... Kaya salamat Elisse ko," aniya.

Sa huli, sinabi ni McCoy na hindi man siya perpekto bilang ama o partner ay gagawin niyang perpekto ang kanyang pagmamahal para sa kanyang mag-ina.

"Pinangako ko sa Diyos ito at mangangako hanggang sa huli. Mahal na mahal na mahal ko kayo Elisse at Felize," sabi pa niya.

Linggo, Oktubre 31, nang ginulat nina McCoy at Elisse—o mas kilala bilang "McLisse"—ang publiko nang aminin nila sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 na mayroon na silang anak.

BASAHIN: Elisse Joson and McCoy de Leon reveal they have a baby girl

Matapos ang kanilang naging pag-amin, isang maikli pero nakakaantig na mensahe rin ang ibinahagi ni Elisse sa Instagram para sa kanilang anak na si Felize.

"Dearest Felize," aniya, "Life was uncertain before you came. I didn't know which path to take, the choices to make. I didn't know what to be, what I want to be. Now, nothing is clearer to me than to be the best me, to be the best mommy, for you."

"I am lucky to have your daddy in my life and we are very lucky to have you," dagdag niya. "Our greatest blessing, in our lives."

https://www.instagram.com/p/CVskevDvmtc/

Unang nagkakilala sina McCoy, 26, at Elisse, 25, bilang housemates sa Pinoy Big Brother: Lucky Season 7 noong 2016.

Nitong Hunyo, kinumpirma ni McCoy na nagkabalikan sila ni Elisse matapos ang isang taon na hiwalayan. Ayon sa aktor, malaki ang natutunan nila ng aktres nang magpasya silang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang kanilang relasyon.

Para naman kay Elisse, masasabi niyang mas "mature at real" ang relasyon nila ni McCoy ngayon.

"Ngayon masasabi ko talaga na iba. Iba compared sa kung paano kami nung beginning. Kapag beginning ng relasyon, it's all surface parang mababaw lang lahat—masaya kayo, nagde-date kayo. Pero once na, especially tayo, dumating sa point na 'yun nga, nag-break, na we hated each other, nagalit tayo sa isa't isa. Mas naging iba the second time around kasi nagkaroon ng ganun... Ngayon it feels more real," aniya.