• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennylyn Mercado and Dennis Trillo reveal they were already considering surrogacy before learning they were expecting.

Here’s how Jennylyn Mercado and Dennis Trillo found out they were going to be parents again

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo reveal they were already considering surrogacy before learning they were expecting.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/02/2021 03:45 PM
Here’s how Jennylyn Mercado and Dennis Trillo found out they were going to be parents again
Photo credit to @mercadojenny Instagram

Laking pasasalamat ng showbiz couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na nabuntis sa natural na paraan ang aktres. Hindi na kasi natuloy ang original plan nila na  magkaroon ng anak sa pamamagitan ng surrogacy.

Sumailalim din daw sila sa tinatawag na fertility treatments at nagplano na rin sa paghahanap ng surrogate. Bumiyahe din ang dalawa sa Amerika para maghanap ng fertility specialist at surrogate.
 
“So, naka-harvest kami ng five eggs. Pero isa lang yung excellent egg, so parang tapon din yung apat—isa lang talaga. Isa lang yung nabuo ko,”  sey ni Jennylyn.

“Pero embryo na yon. Embryo na siya kasi nag-fertilize,” dagdag naman ni Dennis.


READ: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo are now engaged and expecting a child

Sabi pa ng dalawa, may kinausap na rin daw sila para maging surrogate ng kanilang baby.

“Napili namin na perfect para doon sa embryo na yon. Pagkatapos naman, okay na lahat, okay na. May schedule na ng implant. Nakilala na namin yung surrogate.

“Mababait sila, tapos magpipirmahan na lang kami ng kontrata and ii-inject na lang yung embryo sa kanya ngayong October dapat,” kuwento pa ni Dennis sa eksklusibong panayam ni G3 San Diego para as MEGA Magazine.

Nasa lock-in taping si Jennylyn nang malaman niya na nine-weeks pregnant na siya sa first baby nila ni Dennis.

“Nasa lock-in taping ako nu’n so meron kaming 10-day quarantine sa hotel dito lang sa Manila. Tapos yung feeling ko yung parang lahat ang pangit. Nung pagpasok ko sa hotel, ayoko yung hotel, nagdala ako ng vacuum, naglinis ako nang buo, tapos umiiyak ako kasi, ‘Bakit ang dumi’ yung ganu’n.  Grabe yung emotions ko.

“Hindi ko alam kung bakit, yung inaaway ko siya (Dennis). Sinasabi ko sa kanya, ‘Wala ka kasi dito kaya hindi mo alam yung feeling na parang kawawang-kawawa yung feeling ko. Ang lungkot-lungkot ko. Napaka-emosyonal ko.

“Tapos after nung 10-day quarantine na yon, na-survive ko naman siya nang malungkot buong quarantine,” kuwento ng aktres.

READ: Jennylyn Mercado and Patrick Garcia’s son Alex Jazz is now a teenager

Reaksyon naman dito ni Dennis, “Nag-away pa kasi kami nu’n bago siya mag-quarantine kasi di ko na rin siya maintindihan. Sabi ko, ‘Anong nangyayari sa ’yo?’”

“Sobrang weird na weird daw siya sa akin kasi, ‘Di ka naman ganyan? Anong nangyayari sa ’yo?’ Ito ay nangyari two months ago. Doon ko na feel na parang medyo iba ko, eh. Medyo emosyonal ako.

“Iba yung pakiramdam ko kasi lagi akong nag-a-acid reflux, naghe-headache ako, may nausea na. Parang doon ako napaisip na—hala. Saka delayed ako for a week, kasi usually, nade-delay ako three days lang, four days. Hindi ako lumalagpas ng one week. Sabi ko kay Dennis, bumili siya, padalhan ako ng test, ng PT (pregnancy test). Doon namin nalaman…” reaksyon naman dito ni Jennylyn.