Ibinahagi ni Ryan Bang ang kanyang pinagdaanan noon sa kamay ng taong nag-alaga sa kanya sa Pilipinas nang una siyang tumira dito labinlimang taon na ang nakalilipas.
Sa panayam ni Ryan sa entertainment columnist na si Ogie Diaz, ikinuwinento ni Ryan ang kanyang buhay sa South Korea kasama ang kanyang ina.
Ani Ryan, kinailangang kumayod ng triple ang kanyang ina dahil sa utang na iniwan sa kanila ng kanyang ama.
Sa sobrang hirap nina Ryan, kinailangang nilang tumira sa basement na inihalintulad niya sa bahay sa sikat sa pelikula na Parasite.
READ: Ryan Bang says he is willing to ‘give up’ everything for his parents to get back together
Isang araw, sinabihan muna siya ng kanyang ina na magbakasyon sa Pilipinas kung saan nakatira ang best friend ng kanyang ina na may negosyo sa bansa.
Dito, nanirahan si Ryan sa isang bahay na puro Koreano umano ang nakatira.
Nakilala din niya ang isang babae na naging malapit sa kanya na kalaunan ay naging dyowa ng best friend ng nanay niya na siya ding nag-aalaga sa kanya.
“Meron akong Ate. Ate tawag ko sa kanya. Close kami bago pa sila naging mag-dyowa. Nu’ng naging mag-jowa na sila, ang tawag ko pa rin sa kanya, Ate,” ani Ryan.
Nang minsang magkasakit, humingi umano siya ng tulong sa dyowa ng best friend ng nanay niya. At dahil nagselos umano ito, bigla na lang nitong binugbog si Ryan.
“Isang araw nagka-dengue daw ako. Kung anu-ano ang binili ko sa drugstore. Tinext ko ang ate niya. ‘Uwi ka na, uwi ka na. Sobrang sakit ako, uwi ka na.’ Nalasing ang best friend ng mommy ko, binugbog ako,” ani Ryan.
“Hindi ko nga alam bakit eh. May dengue ako binugbog ako. Maga ‘yung mukha ko. Siguro nagseselos. Kasi naging close kami bago naging sila ni dyowa,” dagdag pa ni Ryan.
READ: Ryan Bang turns emotional as he thanks his Pinay girlfriend: ‘Napaka-swerte kong tao’
“Parang magkapatid talaga kami. Parang Ate Karylle ko, Ate Anne (Curtis). Tapos biglang naging dyowa ‘yung guardian ko, ‘yung best friend ng mommy ko. So sweet ako. Pero hindi ko niligawan. Matanda na ‘yun eh,” pagpapatuloy pa niya.
“Tapos nakita ko may ticket pauwing Korea. Hindi ako makatulog. Habang nag-eempake ako, tinawagan ko ang mommy ko. ‘Mommy, sunduin mo ako sa airport.’ Tapos umuwi ako sa Korea. Talagang galit na galit ako,” ani Ryan.
Panoorin ang video sa ibaba:
Bumalik din si Ryan sa Pilipinas matapos sabihan ng kanyang ina na kailangan niyang magtrabaho habang nasa Korea.
Tumira muna si Ryan sa kanyang best friend sa Pilipinas hanggang sa nakapag-aral siya sa isang sikat na international school.
Ito ay matapos makaluwag-luwag ng kanyang ina dahil sa real-estate na negosyo nito.