• Home
  • Fresh Scoops
  • 30 sustainable gowns ang bitbit ni Beatrice Luigi Gomez sa kaniyang laban sa Miss Universe pageant.

Miss Universe PH Beatrice Luigi Gomez, handa na sa 70th edition ng Miss Universe

30 sustainable gowns ang bitbit ni Beatrice Luigi Gomez sa kaniyang laban sa Miss Universe pageant.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/18/2021 05:05 PM
Miss Universe PH Beatrice Luigi Gomez, handa na sa 70th edition ng Miss Universe

All set na para sa 70th edition ng Miss Universe pageant ang Cebuana beauty na si Beatrice Luigi Gomez.

Si Beatrice ang pambato ng Pilipinas sa 70th Miss Universe pageant na gaganapin sa Eliat, Israel sa darating na December 12.

READ: Cebuana beauty Beatrice Luigi Gomez crowned Miss Universe Philippines 2021


Bago ang napipintong laban, puspusan ang naging paghahanda ni Beatrice para sa pageant kabilang na ang pasabog na pasarela walk. Bago at kakaibang style of pasarela ang ipapakita ng Pinay beauty sa kaniyang gagawing pagrampa sa Miss Universe stage.

 

 

Ang Cebuana beauty ay under Aces & Queens at nag-train under Ian Lorenz Mendajar. Sa uploaded na Instagram video ni Mendajar, nagpatikim ng sample ng kaniyang lakad ang Cebuana beauty na flex na flex ang sexy nitong model body figure. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by IAN MENDAJAR (@ianlorenz)

 

Bukod sa pageant walk, personal rin na binisita ng Pinay beauty ang Embassy of Israel dito sa Pilipinas kung saan na-meet niya si Ilan Fluss, Israeli Ambassador to the Philippines, at iba pang mga consul.

Dito, nagkaroon ng maikling tutorial at lesson si Beatrice sa kultura na kaniyang daratnan sa Israel.

 

 

From pageant walk and what to expect from Israel, naging maugong rin sa pageant fans ang gowns at national costume na ipapakita ng Cebuana beauty sa Miss Universe stage.

Ayon sa post ng pageant blogger na si Norman Tinio, si Francis Libiran ang napiling designer ni Beatrice at Miss Universe Philippines Organization na siyang magdadamit sa ating pambato.

 

 

Bukod sa gowns ni Francis Libiran, 30 outfits rin ang nakatakdang bitbitin ni Beatrice sa kaniyang pananatili sa Isarael na ang konsepto ay sustainable fashion.

Kasabay ng paghahanda ng Pinay beauty, umarangkada na rin ang online voting para sa mga kandidata na makikita sa Miss Universe website at Miss Universe mobile app. 

To vote, visit vote.missuniverse.com or download the Miss Universe Official app and follow the instructions to vote.

 

 

Ang makakakuha ng pinakamataas na boto ay sigurado nang makaka usad sa semifinals.

Si Andrea Meza ng Mexico ang reigning Miss Universe at kung papalarin si Beatrice ay magiging ika-limang pinay beauty na makakapag-uwi muli ng korona ng Miss Universe ito. Huling nasungkit ng Pilipinas ang korona nang manalo si Catriona Gray noong 2018 sa Bangkok, Thailand.