• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Viral Scandal’ star Charlie Dizon shares how she bonded with leading man Joshua Garcia in their first teleserye project together.

Charlie Dizon on working with Joshua Garcia: ‘At first talaga medyo awkward’

‘Viral Scandal’ star Charlie Dizon shares how she bonded with leading man Joshua Garcia in their first teleserye project together.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

11/18/2021 09:17 AM
Charlie Dizon on working with Joshua Garcia: ‘At first talaga medyo awkward’
Photo credit to @rcdnarratives Instagram

After their first working experience together on a commercial, Charlie Dizon shared what her expectations were of her newest leading man Joshua Garcia in their new series Viral Scandal.

“Actually, pala yung first meeting namin ni Joshua dati sa go-see dun kami nag-meet talaga. Nagkasama kami sa isang commercial before. Pero ibang iba pa kasi nung time na yun. Sobrang mas bata pa kami nun. Nung hindi ko pa siya nakakasama, alam ko na magling umarte si Joshua, kasi hindi naman ako ma-judge sa tao hangga’t hindi ko nakakasama.

“Tapos nung na-meet ko hindi ko akalaing ganyan katangkad si Joshua. Nagulat ako nung tumabi ako kay Joshua ang liit ko sobra. Ganito pala katangkad si Joshua. So siguro yun yung nagulat ako and hindi ko kasi alam talaga paano yung personality niya before so nung na-meet ko siya ayun napansin ko na tahimik si Joshua pero minsan makulit din talaga. Parang pag kinulit mo naman siya mangungulit din siya (laughs). So yun siguro yung mga napapansin ko sa kanya,” she explained.


READ: Charlie Dizon on being ABS-CBN’s next big star: ‘Nakakakaba at nakaka-pressure’

Charlie admitted that she was the one who made the first move to bond with him on the set during their lock-in taping cycles.

“Siguro ako nga yung nag-break ng ice and siguro at first talaga medyo awkward pa, nagkakapaan pa kung paano ba yung acting style niya, kung paano ba yung process niya, ganyan. Pero eventually parang nagkaintindihan naman na kung paano. Kahit from the start na awkward awkward pa, parehong nagbigay agad sa eksena,” she recalled.

READ: Charlie Dizon on working with Joshua Garcia on ‘Viral Scandal’: “Sinuwerte ako sa mga ka-partner ko”

Once they started becoming more comfortable with each other, Charlie said she learned what she had to do around the talented actor.

“Siguro pag pinakita mo na seryoso ka sa ginagawa mo, seryoso din naman talaga si Joshua. Mature naman enough si Joshua para malaman yun and siguro ako kasi yung nag-sa-start ng chika talaga eh so dun lang din nag-lu-loosen up si Joshua pag ako yung chumichika. Everyday chini-check ko, ‘Good Morning Josh!’ kung okay siya (laughs) mga ganyan. Or kinakamusta ko din siya kagad just to know kung okay ba yung mood. Binigyan ko siya ng pampatulog na spray. Sinabi niya nung last cycle na pasabuy nung spray so last cycle namin binigay ko para makatulog siya,” she added.

READ: Joshua Garcia describes new leading lady Charlie Dizon as ‘napakagaling at napakaganda’

After three lock-in taping cycles, Charlie shared what she has discovered about her leading man.

“May times siya na tahimik, may times rin talaga na makulit siya and totoo yung chismis na magaling na artista si Joshua. Totoo kasi talagang tumutulong siya sa mga eksena. May mga times na halimbawa mabigat yung eksena namin, tinatanong niya ako kung anong part sa script yung gusto niya ipa-feel para mas tamaan ako, yung mga ganung bagay. Lalo na pag mga mabibigat na eksena nakakatulong talaga si Joshua. Wala naman ako masyadong naririnig na chika about Joshua before. Siguro kasi hindi ko naman siya nakakasama pa. Parang malayo yung circle of friends namin kaya wala ako masyadong naririnig talaga. Bukod sa magaling siyang artista. And hindi naman chismis na nung nakasama ko si Joshua magaling siya talaga,” she admitted.

When asked if she considers Joshua as boyfriend material in real life, Charlie said she is more focused on having a good working relationship with him than anything else.

“Hindi ko pa iniisip yan (laughs). Pasalamat na lang ako na nag-wo-work pa kami. Kaya di ko pa naiisip yan. Gusto ko siya siyempre unang una yung tinutulungan niya ako sa mga scenes. Siguro yung pagka-gentleman ni Joshua and ano siya, thoughtful siya hindi lang halata. Parang may mga bagay siyang ginagawa na hindi mo ini-expect. Mga ganun,” she shared. 

Unlike other actresses her age, Charlie said she is okay with or without a constant love team partner.
“Hindi naman sa popular on my own pero siyempre maganda na nare-recognize ako na ako sa sarili ko. And kung ano naman yung plano ng management naniniwala ako na yun yung ikakabuti ko. Kaya kung i-love team man ako or solo, okay lang sa akin,” she said.