• Home
  • Fresh Scoops
  • Si Samantha Panlilio na kaya ang makakapag uwi ng first Golden Crown para sa Pilipinas sa Miss Grand International?

Bb Pilipinas Grand International Samantha Panlilio early favorite Sa Phuket, Thailand

Si Samantha Panlilio na kaya ang makakapag uwi ng first Golden Crown para sa Pilipinas sa Miss Grand International?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/18/2021 08:10 PM
Bb Pilipinas Grand International Samantha Panlilio early favorite Sa Phuket, Thailand
Photo credit @missgrandinternational Instagram

Dumating na sa Phuket, Thailand ang pambato ng Pilipinas sa Miss Grand International na si Samantha Panlilio.

Susubukan niyang sungkitin ang Golden Crown na masasabing mailap sa Pinay beauties.

Sa Suvarnabhumi, Thailand airport pa lang, eksena agad ang ipinamalas ni Samantha nang habang suot ang emerald green Thai-inspired outfit ay rumampa ito at mainit na sinalubong ng ilang Thai pageant fans. 


 

 

VIDEO COURTESY @SamanthaPanlilio_ IG Story 

Bago ang send-off party, dumalo ang Pinay beauty sa Christmas tree lighting ng Araneta Center kung saan exclusibo siyang nakapanayam ng PUSH sa kaniyang paghahanda sa pageant na gaganapin sa darating na December 4.

Ayon kay Samantha, isa sa pinaghandaan niya ang pasarela walk para sa Miss Grand International stage.

“I’m training very hard, especially with my pasarela. Because as we know, Miss Grand International really requires a good performance and that is something I’m concentrating more [on] other than my diet and workout and of course my daily prayers,” sambit ni Samantha sa PUSH.

Kasunod naman ng back-to-back success ng kaniyang Binibining Pilipinas sisters na sina Cinderella Obenita at Maureen Montagne na nagwagi sa kani-kanilang naging laban sa Miss Intercontinental at Miss Globe pageant, aminado naman ang Binibining Pilipinas Grand International beauty na may pressure siyang nararamdaman sa upcoming pageant. 

RELATED LINK: Cinderella Faye Obeñita is Miss Intercontinental 2021

RELATED LINK: Maureen Montagne is Miss Globe 2021

“I’m only human. Of course I feel pressure. But at the end of the day, as I take it in a more positive manner. Cindy and Maureen have been my inspiration and I cannot wait to finally perfect the tri-fect victory,” pahayag niya. 

Ang Binibining Pilipinas ang unang pageant na sinalihan ni Samantha kung saan nasungkit niya ang Binibining Pilipinas Grand International. Siya ay 25 years old ngayon at pamangkin ni Myrna Panlilio Borromeo, ang first Binibining Pilipinas title holder.

Kung papalarin si Samantha, siya magiging unang Filipina na makakapag uwi ng Miss Grand International title. 

 

 

Kasalukuyang nasa Phuket, Thailand ang Pinay beauty kung saan napagtagumpayan nito ang “Before Arrival” first pageant challenge.