• Home
  • Fresh Scoops
  • Dinepensahan ni Rio Filomeno ang kanyang kapatid na si Chie Filomeno.

Kapatid ni Chie Filomeno, dumepensa; pambabatikos, inalmahan

Dinepensahan ni Rio Filomeno ang kanyang kapatid na si Chie Filomeno.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/17/2021 08:32 AM
Kapatid ni Chie Filomeno, dumepensa; pambabatikos, inalmahan
Photo credit to @chiefilomeno and @romariofilomeno Instagram

Hindi napigilan ng kapatid ni Chie Filomeno na si Rio Filomeno na magsalita sa social media upang depensahan ito.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by RIO (@romariofilomeno)

Nitong mga nakaraang linggo, sunod-sunod ang mga naging pambabatikos kay Chie ng ilang netizens sa iba’t-ibang isyu sa loob ng bahay ni Kuya na nilarawan ni Rio na mababaw.


Isa si Chie sa mga celebrity housemates ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10

Sa isang Facebook post, sinabi ni Rio na hindi umano dapat tumatanggap ang kanyang kapatid ang pagkamuhi ng mga netizens.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by RIO (@romariofilomeno)

“My sister does not deserve the shallow hate that she’s receiving right now. She’s a very genuine and hardworking person,” saad ni Rio. 

Ani pa ng kapatid ni Chie, totoong tao ang kanyang kapatid na maagang nagtrabaho upang maitaguyod ang kanilang pamilya. 

Bagama’t nakatanggap umano ng iba’t-ibang pang-aakusa noon ang kanyang kapatid, hindi umano ito naging handlang upang makita ni Chie ang kabutihan sa ibang tao. 

READ: Chie Filomeno marks 25th birthday with sexy shoot

“Wala siyang ibang inisip kundi ang kapakanan ng iba. Started being breadwinner at a very young age and has faced a lot of false accusations but still remained to see the good in them,” ani Rio. 

Sa kabila nito, nakatanggap pa rin umano ang kanyang kapatid ng iba’t-ibang klase ng pambu-bully online. 

“My sister is facing cyberbullying, body shaming, and misogyny from nasty people in all different social media platforms with them not knowing who she really is. Cyberbullying just became a trend to them to join in the bandwagon of hating someone,” ani Rio. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by C H I E (@chiefilomeno)

Pagpapatuloy pa nito: “All they have is ‘yung mga false accusations nila and napaka unfair ng judgement nila. Ang masama din dito, kapwa babae pa nag-bobody shame and nag-spread ng misoginy about her.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by C H I E (@chiefilomeno)

Inisa-isa din ni Rio ang mga nagawa ng kanyang kapatid sa loob ng bahay kabilang na ang pagiging choreographer nito sa unang linggo niya sa loob ng bahay, ang pagiging team player sa ikalawang linggo; at ang pagiging task leader sa ikatlong linggo niya sa bahay. 

Tingnan ang post sa ibaba: 

Naging maingay ang naging pahayag ng kapwa housemate ni Chie na si Madam Inutz nang sinabi nito na wala umano itong ambag sa bahay. Sinabi din ni Madam Inutz na wala na umanong ibang ginawa si Chie kundi magpaganda sa loob ng bahay.

Isa sa mga isyu na binabato kay Chie ay ang pagiging close nito kay Kyle Echarri na ikinagagalit ng ilang fans. 

Samantala, isa naman si Chie sa mga nominado sa bahay ni Kuya ngayong linggo.