• Home
  • Fresh Scoops
  • Diego Loyzaga, pinabulaanan ang mga akusasyon ni Xian Gaza tungkol kay Barbie Imperial

Diego Loyzaga, pinabulaanan ang mga akusasyon ni Xian Gaza tungkol kay Barbie Imperial

Diego Loyzaga, pinabulaanan ang mga akusasyon ni Xian Gaza tungkol kay Barbie Imperial

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/17/2021 05:38 PM
Diego Loyzaga, pinabulaanan ang mga akusasyon ni Xian Gaza tungkol kay Barbie Imperial
Photo credit @diegoloyzaga Instagram

Pinabulaanan ni Diego Loyzaga ang mga spekulasyon tungkol sa kanyang girlfriend na si Barbie Imperial kasunod ng ipinakalat na tsismis ng isang kontrobersyal na social media personality.

Maraming netizens ang nagulantang nang maglabas si Xian Gaza ng isang blind item tungkol sa isang sikat na influencer na nahuli ng kanyang girlfriend na may kasamang isang artista sa isang hotel room sa Parañaque. 

“SINETCH ITEY NA ISANG SIKAT NA INFLUENCER ANG NA-CAUGHT IN THE ACT NG KANYANG NOBYA MATAPOS MAG-NOTIFY SA NAIWANG IPAD ANG ISANG REAL-TIME GRAB BOOKING PAPUNTA SA ISANG MALAKING HOTEL SA PARAÑAQUE?! ANG KANYANG NOBYA AY AGAD-AGAD DUMIRETSO SA NASABING HOTEL... AT DAHIL VERY FAMOUS INFLUENCER COUPLE SILA SA ATING BANSA WITH OVER 10 MILLION FOLLOWERS, NAKA-SECURE NG KEY CARD SI NOBYA MATAPOS NIYANG CHIKA-CHIKAHIN ANG MGA TAO SA FRONT DESK,” saad ni Xian sa kanyang post. 


Dagdag pa nito: “AFTER MAGPA-PICTURE SA KANYA NG MGA HOTEL STAFF, AGAD-AGAD SIYANG KUMARIPAS PAAKYAT NG KWARTO AT PAGBUKAS NIYA NG PINTO EH LAKING GULAT NIYA NANG KANYANG MAKITA SA KAMA ANG ISANG STAR MAGIC ARTIST NA KAYAKAP NG KANYANG JOWA! OMG NAKAKALOKA MAAARSSS!!! HINDI KO KINAYA MYGAAAHD! SINETCH ITEY??”

Bagama’t hindi pinangalanan, marami ang nagsabi na si Wil Dasovich umano ang lalaki at si Alodia Gosiengfiao ang nobya na tinutukoy ni Xian sa kanyang post. 

Matatandaang kamakailan lamang ay kinumpirma ni Alodia ang paghihiwalay nila ni Wil.

Sunod-sunod naman ang naging hula ng mga netizens tungkol sa babaeng tinutukoy ni Xian hanggang sa pinangalanan din niya nito makalipas lamang ang tatlong oras. 

“Good night po sa lahat except kay Barbie Imperial,” saad ni Xian sa kanyang post. 

Sinundan pa ito ni Xian ng isang screenshot ng isang inilabas na artikulo tungkol sa naging pahayag ni Diego kung saan sinabi niyang nakikita umano niya si Barbie na magiging ina ng kanyang mga anak. 

“HOW SWEET NAMAN... VERY STRONG RELATIONSHIP,” ani Xian. 

Agad namang bumuwelta si Diego sa Instagram kung saan ibinahagi niya ang isang litrato nila ni Barbie na may caption na: “Don’t get caught up in all that noise. It’s just noise. My baby gurl and I are chilllin. So sit back, relax, enjoy life.” 

Komento naman ni Barbie: “Aww mahal ko 🥺♥️ I love you!”

Samantala, sinagot din ni Diego ang isang netizen na nagsabing maaaring hindi totoo ang kumakalat na tsismis at sinabing: “Hindi talaga.”

Kasunod ng ibinahaging post ni Diego, naglabas agad si Xian ng isa pang pasabog na tsismis kung saan sinabi nito na binibista umano ng aktor si AJ Raval sa Pampanga.

“Diego Loyzaga, may gusto lang sana akong itanong. Bakit ka bumibisita sa bahay nila AJ Raval sa Pampanga habang hinihintay ka ni Barbie Imperial sa Manila? Curious lang. Ito ay ayon mismo sa ama ni AJ na si Jeric Raval. Ano ginawa mo sa bahay nila?” ani Xian.

Sa ngayon, hindi pa sumasagot si Diego sa bagong tsismis na ipinakalat ni Xian. Wala pa ring nilalabas na pahayag maging si Barbie.