• Home
  • Fresh Scoops
  • Kinasal na ba sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo tatlong linggo matapos i-anunsyo ang kanilang engagement at pagbubuntis?

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ikinasal na?

Kinasal na ba sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo tatlong linggo matapos i-anunsyo ang kanilang engagement at pagbubuntis?

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/15/2021 10:12 PM
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ikinasal na?
Photo credit Jennylyn Mercado Facebook page

May bali-balita na ang aktres na si Jennylyn Mercado ay kinasal na sa kanyang longtime boyfriend at kapwa artista na si Dennis Trillo. 

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Jennylyn ang isang litrato na mukhang galing sa kanilang naganap na simpleng kasalan sa huwes. (Sa ngayon ay na-delete na ang nasabing post.)

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo are now engaged and expecting a child


Parehas naman na nakausot ng puting suit ang couple.

“Forever, you & me,” tanging caption ni Jennylyn sa kanyang post. 

Unang inanunsyo nina Jennylyn at Dennis ang kanilang engagement at pagbubuntis tatlong linggo pa lamang ang nakalilipas. 

Si Jennylyn ay may anak sa dating partner, ang aktor na si Patrick Garcia, si Alex Jazz. Samantala, si Dennis naman ay may anak din sa dating karelasyon, ang beauty queen na si Carlene Aguilar, si Calix. 

Mahigit pitong taon ang itinagal ng relasyon nila bilang magkasintahan bago sila nagdesisyong magpakasal.