• Home
  • Fresh Scoops
  • Staying fit and strong is a process that takes time and patience.

Celebrity moms and their fitspiration journey Part 2 | Pushpins

Staying fit and strong is a process that takes time and patience.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/15/2021 01:34 PM
Celebrity moms and their fitspiration journey Part 2 | Pushpins
Photo credit to @mercadojenny, @iamsuperbianca, @solenn, @marianrivera and @cristinereyes Instagram

Staying fit and strong is a process that takes time and patience. 

Narito ang ilang celebrity mommies na talaga namang #fitspiration.  

Sinu-sino sila?     


Let's find out.    

 

Cristine Reyes 

 

 

Ipinanganak ni Cristine Reyes ang kanyang unica hija na si Amarah noong February 2015. 

Ilang buwan pa lang ang nakakalipas ng manganak si Cristine ay kitang kita na ang kanyang toned abs. 

Ayon kay Cristine, she likes practicing a healthy lifestyle by eating nutritious food and by doing some forms of exercise. 

Nakatulong din kay Cristine ang pagbalik niya sa Jiu-jitsu training.  

 

Bianca Gonzalez 

 

 

Ang celebrity mom na si Bianca Gonzalez ay unang nanganak noong 2015, at pangalawang beses noong October 2018. 

Ayon kay Bianca, maaaring nakatulong para mawala ang kanyang baby weight ang pag-take niya ng Pilates workout during pregnancy with the approval of her doctor. 

Kasama rin sa kanyang workout routine ang leg lifts at squats na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account. 

Na-maintain din umano ni Bianca ang kanyang fit figure after pregnancy dahil sa pagkain ng maraming gulay. 

 

Jennylyn Mercado 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

 

Celebrity mom Jennylyn Mercado gave birth to her son Alex Jazz via caesarean section in 2008. 

Ilan sa mga naging workouts ni Jennylyn para ma-maintain ang kanyang fit figure ay ang indoor at outdoor cycling, at running. 

Mahilig din si Jennylyn sa intensive trainings gaya ng Pilates na kadalasan niyang ibinabahagi sa kanyang followers. 

Sa pagkahilig nito sa Pilates ay ginawa na nitong Pilates Studio ang garden area ng kanyang bahay. 

 

Marian Rivera 

 

 

Dalawa na ang anak ng aktres na si Marian Rivera. 

Ipinanganak niya si Zia noong November 2015 at si Ziggy naman noong April 2019. 

Ayon kay Marian, healthy living ang una niyang dahilan kung bakit hindi siya nahirapan mawala ang excess baby weight.

Hindi rin umano nag-diet si Marian matapos manganak dahil ito ay nagbe-breastfeed. 

Aniya, nakakatulong ang breastfeeding sa pag-lose ng pregnancy weight. 

 

Solenn Heusaff 

January 2020 ng ipanganak ng aktres na si Solenn Heusaff ang kanyang baby girl na si Thylane Katana via caesarean section. 

Dalawang buwang matapos manganak si Solenn ay bumalik na ito sa kanyang fitness routine. 

Sa isang interview, she said that she started walking uphill three times a week at sinimulan na rin niya ang pag-workout to regain muscle strength. 

Ibinahagi rin nito ang kanyang postpartum workouts gaya ng wall sit with dumbell curls, bodyweight squats, at banded clams. 

 

See these strong and fit celebrity moms here:

Sino sa kanila ang fitspiration niyo?