Hindi na maitago ang pagkasabik ng mga tagahanga ni Nadine Lustre sa kanyang pagbabalik pelikula.
Ito ay matapos umarangkada ang paggawa ng nasabing pelikula na kinumpirma mismo ng direktor na si Yam Laranas.
Base naman sa script na ibinahagi ni Yam, maraming eksena ang kinuhanan sa kabukiran. Makikita din ito sa ibang mga larawan na ibinahagi niya.
Mas lalo pang na-excite ang mga taga-suporta ng aktres nang lumabas ang iba pang kuha mula sa set ng kanyang bagong pelikula na Greed kasama si Diego Loyzaga.
Kilala si Yam Laranas sa paggawa ng mga suspense-thriller na pelikula gaya ng The Road, Aurora, at Nightshift.
Samantala, huli namang napanood si Nadine ng kanyang mga tagahanga sa pelikulang Indak na ipinalabas noong taong 2019.
Makakasama din nina Nadine at Diego sa nasabing pelikula beteranong aktor na si Epy Quizon.
BASAHIN: Nadine Lustre, makakasama si Diego Loyzaga sa bagong proyekto sa VIVA
Sa ngayon, waala pang detalye tungkol sa inaabangang pelikula, kabilang na kung kailan ito ipapalabas ang sa Vivamax.