• Home
  • Fresh Scoops
  • Maxine Medina says growing up in a conservative family have influenced her careers decisions.

Maxine Medina explains why she can’t accept sexy roles

Maxine Medina says growing up in a conservative family have influenced her careers decisions.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/14/2021 04:12 PM
Maxine Medina explains why she can’t accept sexy roles
Photo credit: @maxine_medina Instagram

Consistent hanggang ngayon ang dating Binibining Pilipinas Universe na si Maxine Media na hindi talaga siya magpapaseksi sa pelikula. Ito ay sa kabila ng pagpasok sa paggawa ng sexy movies ng kapwa beauty queens na sina Cindy Miranda, Ariella Arida, at Kylie Verzosa.

Bumida si Cindy, dating Binibining Pilipinas Tourism, sa controversial na sexy film ng Viva na Adan na idinirek ni Direk Roman Perez Jr. Nasundan pa ito ng ibang sexy movies tulad ng Nerisa, House Tour, at sa malapit nang ipalabas na My Husband, My Lover.

Si Kylie naman na tinanghal na 2016 Miss International ay sumabak din sa mga sexy roles nang gawin ang launching movie na The Housemaid. Katulad ni Cindy, kasama rin si Kylie sa My Husband, My Lover.


Pinatunayan naman ni Ariella na nanalong 3rd runner-up noong 2013 Miss Universe na kaya din niyang makipagsabayan sa mga beauty queens na nagpapaseksi sa pelikula nang gawin niya ang isang mapangahas na role sa pelikulang Ang Sarap Mong Patayin ni Direk Darryl Yap.

Eh, bakit nga ba ayaw niyang magpaseksi sa pelikula?

“Pinalaki kasi ako ng parents ko na it should be like this, it should be like that. May respeto ka pa rin with the family and all.

“Siguro kinalakihan ko na rin po talaga yung pagkakaroon ng very conservative na family. Respect na rin po sa dad ko, kasi siyempre, ayoko naman pong mapanood ako ng dad ko sa mga ganoon,” paliwanag ni Maxine na napanood din noon sa Kapamilya series na Los Bastardos kasama ni Kylie.

READ: Maxine Medina marks third anniversary with boyfriend

Dagdag pa ni Maxine, tutol din daw ang pamilya niya sa pagkakaroon ng sexy image kaya hindi na niya ito sinubukan pa.

Aniya, “Well, tinanong ko na rin po sila before na if they’re open, but na-explain naman po nila (na hindi) and I understand their side. For me, hindi talaga ako ready sa ganoon.”

WATCH: Push Pins: These 5 beauties are queens on TikTok, too!

Bukod sa pagiging convervative ay lumaki rin si Maxine sa isang  relihiyosong pamilya.

 “I’m a Catholic din po. And siguro, for them, it’s art. Pero sa akin po talaga, no-no po talaga! Kasi ang mom and dad ko po, talagang watching over me. Di ba, parang ang hirap naman po?” rason niya.

“Nung bata kami, every 7 pm. lagi kaming nagdarasal, rosary, ganyan. Pero yung acting, it’s very liberating. Dati pigil na pigil ako kasi siyempre yung upbringing kasi sa amin, sa family namin na very conservative.

“Hindi ka puwedeng maging malandi. Hindi ka puwedeng maging ganyan. Basta alam mo yung parang ano—hangga’t kaya mong tiisin, tiisin mo. Pero do as much as kung ano yung tinuro ni God, kung ano yung tinuro ni Jesus, ng parents mo. Pero nung pinasok ko na ang pag-arte, napakarami kong natutunan. Masuwerte rin ako na lagi akong tinuturuan ng mga co-actors ko noon sa Los Bastardos,” balik-tanaw niya.

Sa palagay ni Maxine ay magkaiba rin sila ng career path ng ibang beauty queens na nagpapaseksi ngayon sa pelikula.

“That’s my opinion. I think, yung ginagawa naman nila is art. It’s their world. It’s their showbiz world, and they enjoy it naman siguro.

“It’s different naman yung path namin. Yung sa akin kasi, medyo gusto ko lang happy, light, tapos nakaka-work ko pa different kinds of people,” sabi ulit ng dating beauty queen.