• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi pa daw alam nina Ara Mina at Rosanna Roces kung ano ang magiging role ni Sharon Cuneta sa ‘FPJ’s Ang Probinysano’

Ara Mina at Rosanna Roses, excited nang makasama si Sharon Cuneta sa ‘FPJ’s Ang Probinysano’

Hindi pa daw alam nina Ara Mina at Rosanna Roces kung ano ang magiging role ni Sharon Cuneta sa ‘FPJ’s Ang Probinysano’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/13/2021 07:14 PM
Ara Mina at Rosanna Roses, excited nang makasama si Sharon Cuneta sa ‘FPJ’s Ang Probinysano’
Photo Credit: @therealaramina and @therealrosannaroces on Instagram

Parehong excited at tuwang-tuwa sina Ara Mina at Rosanna Roces sa pagpasok ni Megastar Sharon Cuneta sa action-seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Mahigit isang taon na si Ara sa FPJAP playing the role of Ellen Padua sa show samantalang si Rosanna ay isa sa pinakabagong karakter na gumaganap naman bilang ina ni Julia Montes.

Happy kami. Masayang-masaya kami,” bulalas ni Rosanna sa virtual mediacon ng Pornstar 2.

Sey naman ni Ara, “Excited!”


Dagdag ni Osang, “Actually, after nung storycon didiretso yon sa taping ng ASAP, tapos didiretso yon sa look test namin sa gabi. Kaya it’s a whole day affair for her tomorrow,” sabi pa niya sa virtual presscon ng Pornstar 2 noong November 8, Lunes.

At saka celebration din kasi ng 6th year anniversary ng Ang Probinsyano sa taping ng ASAP,” hirit pa ni Ara.

Read: Sharon Cuneta, alay kay FPJ ang pagpasok sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Parehong malapit kay Sharon Cuneta sina Ara at Rosanna. Parang kapatid na ang turing ni Ara kay Sharon na kinuha pa niyang ninang sa kanilang kasal ng asawang si Dave Almarinez.

Nagsimula naman ang pagkakaibigan nina Osang at Sharon nang magkasama sila sa pelikula ni Darryl Yap na Revirginized.

Ayon kina Ara at Osang, hindi pa nila alam kung ano ang magiging role ni Sharon. Wala rin silang ideya kung kakampi ba ito o kaaway.

Ani Osang, “Nag-iiba-iba pa yung istorya, eh. Pero I’m sure exciting kung anuman ang magiging role niya sa Ang Probinsyano.”

Pinatotohanan naman ito ni Ara at sinabing, “To be honest, do’n lang namin nalalaman sa set yung mangyayari sa amin. Nag-iiba-iba siya.”

Pag nakaayos na kami at pinatawag na kami sa set do’n pa lang ilalagay, ipapasa sa cellphone namin yung dialogue. Do’n pa lang namin nalalaman kung ano yung mangyayari. So, clueless kami kung ano yung kukunan kinabukasan o sa susunod na araw,” dagdag pa ni Osang.

Ginagawa kasi nila yung script a day before,” hirit naman ni Ara.

Read: Sharon Cuneta reveals secret to dramatic weight loss: ‘I don’t exercise regularly’

Samantala, bukod sa Probinsyano ay magkasama ulit sina Ara at Osang sa Pornstar 2, ang sequel ng Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar na sinulat at idinirek ni Darryl Yap. Nasa cast din ng Pornstar 2 sina Maui Taylor at Alma Moreno.

Ibinahagi ng dalawag dating sex goddess ng Philippine cinema ang naging discovery at hinangaan nila sa isa’t isa sa pangalawang beses nilang pagsasama sa pelikula.

Ang na-discover ko, si Ate Osang nakasama ko na siya before sa Curacha. Tapos nung Ana Maceda (dating screen name ni Osang) pa lang siya nakakasama ko na rin siya sa out of town shows. Sobrang ano… kasi no’n sa Curacha talagang big star siya tapos ako nag-i-start pa lang. Naiilang ako.

“Tapos alam mo yon, sa dami ng mga pinagdaanan niya sa buhay makikita mo talaga yung na napaka-professional niya pagdating sa trabaho. Kasi very vocal naman siya, nagwo-walkout yan dati. Alam ko sa Curacha nag-walkout yan, eh.

“Pero ito talaga, ini-embrace niya lahat ng blessings na dumarating sa kanya kaya non-stop din yung dating ng blessings,” kuwento ni Ara.

Ayon naman kay Osang, “Si Ara bukod sa pagiging very professional niya sa trabaho ay napakabuti niyang asawa. Umalis pa yan sa set para lang samahan yung asawa niyang si Dave para mag-file ng candidacy and kailangan bumalik pa siya sa set. Eh, ang location namin nasa Mabalacat (Pampanga) tapos sa San Pedro, Laguna pa siya pupunta. So, nilalagare niya yan.

Makikita niyo talaga yung tiyaga niya at saka may mga iba na siyang concern ngayon gaya ng, ‘Ay, baka hindi magandang sabihin ito.’ Kasi nga di ba, yung asawa niya papasok sa politics.”

Mapapanood ang Pornstar 2 na maglu-launch din sa career ng apat na baguhang sexy stars na sina Sab Aggabao, Ayanna Misola, Stephanie Raz, at Cara Gonzales sa Vivamax on December 3.