Vice Ganda, may pang-asar sa bashers: ‘Mas yumaman pala ako this year’

May patama si Vice Ganda sa kanyang mga bashers

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/11/2021 05:56 PM
Vice Ganda, may pang-asar sa bashers: ‘Mas yumaman pala ako this year’
Photo credit @praybeytbenjamin Instagram

Nag-viral ang Tiktok video ni Vice Ganda na kumalat sa social media nitong Linggo, November 7. Sa huling patse-check namin sa combined account nilang dalawa ni Ion Perez na ViceIon ay million na ang views nito.

Obviously, ginawa ni Vice ang video para asarin ang kanyang mga bashers na paborito siyang gawing “pulutan” sa social media. Lalo pa itong nadagdagan simula nang lantaran nilang inamin ni Ion ang kanilang relasyon.

Panimula ni Vice, “Oh my god! Ang fresh ko ngayon. And I realized ang laki pala talaga ng na-improve ng hitsura ko kumpara dati, ’no? Wow!”


Lalo pang inasar ni Vice ang kanyang bashers nang sabihin nito na mas marami raw siyang pera ngayong 2021.

“And I also realized upon checking my checkbook, mas marami pala akong pera ngayon, mas yumaman pala ako this year,” pahayag pa niya.

Vice Ganda at Ion Perez, ipinagdiwang ang kanilang ika-3 anibersaryo

Ipinagmalaki rin ni Vice ang tunkol sa relasyon nila ni Ion na tatlong taon na ngayon.

Ani Vice, “And also, I checked my room, andun pa rin yung dyowa ko nagpapahinga. Yes, kami pa rin. Masaya pa rin kami. Three years na.”

“And earlier, I also checked on my mom. Sobra niyang happy kasi kagagaling lang namin sa Amerika. And sobra raw siya nag-enjoy kaya ang saya-saya niya.

“And also, I checked from my handler, may mga bago pala akong awards. Oh my gosh! Andami ko palang achievements,” patuloy pang pagmamalaki ni Vice.

Vice Ganda shares experience performing for his fans abroad again

In a sarcastic manner ay kinumusta rin ng It’s Showtime host ang kanyang bashers.

“Now I wanna check on my bashers. How are you guys? Mas marami ba kayong pera ngayon? Mas maganda ba kayo kaysa dati?

“May dyowa ba kayo? Masaya ba kayo? Kumusta nanay niyo? Pamilya niyo? Okay ba kayo?

“May mga bago ba kayong achievements?” sunud-sunod niyang pag-usisa.

Sa sumunod nitong video ay si Vice na rin ang mismong sumagot sa kanyang mga binitiwang tanong.

“Ha? Hindi? Syet! Ang lungkot no’n, ha! Nakakaloka! Hindi? Ang sad,” gulat-gulatang acting ni Vice.

“Kuya, daan muna nga tayo sa simbahan,” instruction nito sa kasamang driver sa sasakyan. 

“Ipagdadasal ko lang ang mga bashers ko para umasenso naman. Kawawa,” huling tinuran ng Unkabogable Star na kababalik lang sa It’s Showtime nung Lunes, November 8, mula sa kanyang successful US concert tour.