• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagkasagutan sina Ogie Diaz at BB Gandanghari dahil sa issue ni Kylie Padilla.

Ogie Diaz binuweltahan si BB Gandanghari

Nagkasagutan sina Ogie Diaz at BB Gandanghari dahil sa issue ni Kylie Padilla.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/10/2021 05:54 PM
Ogie Diaz binuweltahan si BB Gandanghari
Photo credit Ogie Diaz Facebook, @gandangharibb Instagram

Napag-usapan sa YouTube vlog ni Ogie Diaz (kasama sina Mama Loi at Tita Jegs) ang tungkol sa naging pahayag ni BB Gandanghari para sa pamangkin na si Kylie Padilla. Pinayuhan niya kasi si Kylie na hindi raw dapat pinag-uusapan sa social media kung anuman ang away nila ng asawang si Aljur Abrenica dahil apektado ang kanilang mga anak.

Komento noon ni BB, “What I can advise to these two, being younger that you are, try to keep your dirty linen in the washroom. I’m sure you know what I mean.”

Tila ikinagulat naman ni Ogie ang naging pahayag ni BB at sinabing, “Siya talaga nagsabi noon? Dapat in-advise na rin niya yon sa sarili niya, di ba? Paano ka naman papakinggan?”


Dagdag pa ng talent manager, “Siguro kung maririnig ito ng iba, si BB sinasabihan ang kanyang pamangkin at si Aljur, itago na ang dirty linen, huwag ipagpag. Sino ka BB para magsabi ng ganyan, kung ikaw nambubuko?”

Matatandaang sa previous vlog ni BB ay ibinunyag nito ang tungkol diumano sa nakarelasyon niyang sikat na aktor nung panahong siya pa si Rustom Padilla. Ayon pa kay Ogie, wala daw siyang pakialam kung mag-react man si BB sa kanyang mga komento dahil kahit noon pa naman daw ay wala na itong sinabing maganda tungkol sa kanya.

BB Gandanghari binalikan kung gaano kasakit ang pamamaalam sa kanya ni Carmina Villaroel

Ilang araw lang pagkatapos ng komento ni Ogie ay nagbigay naman ng kanyang reaksyon si BB.

“Ikaw, Ogie Alcasid, ha, wag mo akong pinipikon!” tumatawang sagot nito.

Hindi man nito binanggit ang name ni Ogie Diaz pero obvious na ito ang kanyang tinutukoy sa kanyang IG Live.

Siniraan din niya ang vlogger at talent manager at sinabing scripted lang ang mga vlogs nito.

“Aminin niyo iyan at kung hindi puro paninira lang sa artista ang sinasabi-kung sino man ang buntis, hindi buntis, di ba?” wika pa ni BB.

Hirit pa nito, “Di ba, kung kumpare ka ni Robin, hindi ka ba matutuwa doon sa in-advice ko? Talaga, Ogie? Meron ka pa ring masama na nakita doon sa in-advice ko? Eh, talagang negative kang tao…

“I’m, sorry, Ogie, clearly you don’t know what I’m talking about. Honestly, you have no credibility to me, zero. Zero credibility. And, in fact, yung reaction mo na, ‘Ah, talaga? Talagang si BB nagbigay ng payo?’ Actually, kuha ko iyon.”

Idinamay din ni BB si Vice Ganda sa mga sumunod nitong pahayag. Si Ogie ang dating manager ng Unkabogable Star.

“Ganun din kasi reaction ko kapag pinag-e-endorse mo ng beauty product si Vice Ganda. Na talagang, ‘Ah, talaga? Si Vice nag-e-endorse? Ganoon din talaga ang dating sa akin noon. So, I understand yung joke. Pero… I think you’re barking at the wrong tree,” sambit pa ni BB.

Giit pa nito, normal lang daw na mag-react siya sa isyu ni Kylie.

“Makinig ka. You’ll get it from me. Clearly, you don’t know what you’re talking about. Don’t ridicule me because babalik ko sa iyo yan, ‘no,” sey pa ni BB.

https://push.abs-cbn.com/2020/6/24/fresh-scoops/bb-gandanghari-sa-naging-love-affair-nila-ni-carmi-29603

May buwelta naman si Ogie sa ilang matataray na pahayag ni BB laban sa kanya lalo na sa paratang nito na wala ka raw credibility ang talent manager.

“Pero dito ko napatunayan na meron akong credibility kasi siya (BB) ang nagbigay sa akin ng credibility. Kasi you know why, kasi sinabi natin dito  na, ‘Diyos ko, si BB pa, eh, wala namang magandang sinasabi yan tungkol sa akin.’

“So, ini-expect ko yan na titirahin niya ako. Ayan nangyari na tinitira ako, eh, di tama ako, di ba? Hayaan mo na BB, kanya-kanya tayong audience. Hindi ko naman para i-justify o i-dignify pa yung mga sinasabi mo against me.

“Kung wala akong kredibilidad para sa ‘yo, so be it! Wala akong kredibilidad para sa ‘yo, happy? Gusto ko happy ka!” sabay thumbs up ni Ogie.

Patuloy niya, “Kaya nasanay na ako kay BB. Actually, pinapanood ko siya. Pinanonood kita BB, ha? Aliw na aliw ako sa ‘yo pramis! Wa echos!”

Sa tanong ni Mama Loi kung hindi ba siya naiinis si Ogie kay BB. Sagot nito, “Hindi! Hindi! Magtataka ako kung pupurihin niya ako.

“Una, naloka ako ha! Hoy BB, ito gusto ko lang sabihin sa ‘yo BB Gandanghari makinig ka! Uy seriously, ha, grabe hindi namin kaya yon—yung nagla-live ka o nagba-vlog ka na yung isang kamay mo nasa manibela tapos ikaw nakaganyan ka habang nagmamaneho.

“Nakakaloka nga mga comment. Hoy, baka ma-misinterpret mo yung pagmamalasakit nila lalo na kami ah? ‘Wag mo nang gagawin ‘yan next time. Baka kasi may ibang gumaya sa ‘yo! Habang nagmamaneho ka, eh, nagla-live ka, eh, baka madisgrasya ka,”payo ni Ogie kay BB.

“Kahit galit ka sa amin, iisipin ko pa rin ang iyong kaligtasan BB na hindi mo dapat ginagawa yon. Gawin mo sa bahay mo, ‘wag yung habang nagmamaneho nagba-vlog. Kung mabangga ka ako pa sisihin ng mga fans mo? Dahil tungkol sa akin yung kuda mo, di ba? Alam mo naman di ba? Rustom is dead, ‘wag na nating dagdagan,” muling paalala niya sa kapwa vlogger.