• Home
  • Fresh Scoops
  • Masayang ibinalita ni John Prats na isa na rin siyang direktor ng sikat na palabas na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

John Prats, direktor na rin ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Masayang ibinalita ni John Prats na isa na rin siyang direktor ng sikat na palabas na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/10/2021 09:47 AM
John Prats, direktor na rin ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
Photo credit to @johnprats Instagram

Masayang ibinalita ni John Prats na isa na rin siyang direktor ng sikat na palabas na FPJ's Ang Probinsyano.

Sa Instagram nitong Martes, Nobyembre 9, inamin ng aktor na hindi niya kailanman naisip na mapapabilang siya sa mga mahuhusay na direktor ng ABS-CBN, ang kanyang home network nang halos 30 taon.

Pinasalamatan din niya ang executives ng Kapamilya network at ng Dreamscape Entertainment, na siyang nagpo-produce ng FPJ's Ang Probinsyano, para sa isang malaking karangalan. 


"This is big!" ani John sa kanyang post. "Thank you Lord God. Salamat Direk CM (Coco Martin) sa tiwala at sa paggabay. Thank you Tita Cory (Vidanes), Direk Lauren (Dyogi) and Sir Deo (Endrinal) and sa @dreamscapeph family for this opportunity na habang buhay kong ipagpapasalamat."

 

 

Limang taon nang napapanood si John bilang si Jerome sa FPJ's Ang Probinsyano na pinangungunahan ng aktor na si Coco Martin.

Sa nakaraang panayam ng ABS-CBN News, naikwento ni John kung paano sila nagtutulungan ni Coco bilang kapwa direktor.

"Whenever I have a problem with a segment or pinag-uusapan namin 'yung Showtime ko, may mga suggestions 'yan. Para kaming nagbe-brainstorming," ani John, na direktor din ng noontime show na It's Showtime.

"Same thing sa side din niya, kapag din nagka-problema sa istorya, we pitch. Kung ano mang pwedeng mangyari."

Dagdag pa ng aktor: "So hindi ko naramdaman 'yung hesitations from Coco dahil nagdi-direk ako [ng ibang show]. Talagang ramdam ko ‘yung pagmamahal niya at 'yung suporta niya."

BASAHIN: John Prats, iiwan na nga ba ang 'FPJ’s Ang Probinsyano' para sa 'It's Showtime'?

Samantala, tila ikinatuwa rin ni John ang pagpasok ng nag-iisang Sharon Cuneta sa FPJ's Ang Probinsyano sa pagdiriwang ng ika-anim na taon nito.

Nito ring Martes, Nobyembre 9, nang inanunsyo ng Dreamscape na parte na ng star-studded cast ng programa ang aktres, na kilala rin sa showbiz bilang si "Megastar."

"And just WOW! Megastar is in the house!!! This is really BIG! Probinsyano never stops!!! 6 years and counting. To God be the Glory. Napakalaki ng cast! Nakakalula, ngayon lang ata ako naka-experience na maging bahagi ng isang programa na napakaraming bituin! Enjoy mga Kapamilya," ani John.

BASAHIN: Sharon Cuneta joins cast of ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Napapanood ang FPJ's Ang Probinsyano gabi-gabi sa Kapamilya Channel, CineMo, A2Z, TV5, TFC, Kapamilya Online Live, iWant TFC, WeTV, at iflix.