Ara Mina, Alma Moreno, Maui Taylor at Rosanna Roces reunited sa ‘Pornstar 2’ ni Direk Darryl Yap

May bagong sexy stars na ipapakilala sa ‘Pornstar 2’.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/09/2021 05:00 PM
Ara Mina, Alma Moreno, Maui Taylor at Rosanna Roces reunited sa ‘Pornstar 2’ ni Direk Darryl Yap

May part 2 ang controversial sexy film ni Direk Darryl Yap sa Viva Films na Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar na pinagbidahan ng mga legendary sexy stars ng showbiz na sina Ara Mina, Maui Taylor, Alma Moreno, at Rosanna Roces. Naka lock-in shooting na ang cast ng pelikula sa isang resort sa Pampanga.

Si AJ Raval ang baguhang sexy star na ipinakilala sa Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar na ipinalabas sa Vivamax noong January 2021. Pagkatapos siyang i-introduce sa Pornstar 1 ay sunud-sunod na ang pinagbidahang pelikula ng dalaga.

READ: Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor, magsasama-sama sa isang pelikula


Sa Pornstar 2 (Pangalawang Putok) ay kasama pa rin ang original cast ng movie na sina Ara, Osang, Alma, at Maui. Kahit pare-parehong busy ang apat sa kanilang schedules ay hindi nila pinalampas ang chance na muling magkasama-sama at makatrabaho si Direk Darryl.

Ani Osang habang binabasa ang script, “Mas maganda ito kesa do’n sa una, promise.” Excited naman si Ara sa sequel ng movie, “Akala ko nga hindi na ako makakasama kasi nag-asawa na ako, buti na lang supportive ang husband ko.”

Excited din sina Maui at Alma sa pagkilatis ng mga idi-discover nilang bagong pornstars sa pelikula. “Siyempre, importante ang opinion namin,” sey ni Maui na sinegundahan naman ni Ness.

READ: Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, and Maui Taylor talk about the stigma of being a sexy star

Sa Pornstar 2 ay ipakikilala ng Viva ang apat na baguhang sexy stars na sina Sab Aggabao, Ayanna Misola, Stephanie Raz, at Cara Gonzales. Male counterpart naman nila sina Prince Salvador, Jet Delgado, Rash Flores, at Abed Green.

Umaasa ang apat na newbie sexy stars na magiging maganda rin ang kanilang kapalaran sa showbiz pagkatapos ipalabas ang Pornstar 2.

Samantala, August 2020 nang magsyuting ang senior cast ng Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar na nagkita-kita ulit pagkatapos ng 13 buwan. Pornstar 2 is the 13th film of Darryl Yap sa Viva and it will be shown sa first week ng December.