• Home
  • Fresh Scoops
  • Marami ang nalungkot na mga JaDine fans dahil sa tila kumpirmasyon ng relasyon ni Nadine Lustre at ng kanyang rumored boyfriend.

Nadine Lustre, rumored French boyfriend spotted na magka-holding hands

Marami ang nalungkot na mga JaDine fans dahil sa tila kumpirmasyon ng relasyon ni Nadine Lustre at ng kanyang rumored boyfriend.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/08/2021 10:34 PM
Nadine Lustre, rumored French boyfriend spotted na magka-holding hands

Nag-trending ang JaDine nitong Biyernes ng gabi, Oktubre 8, dahil sa mga bagong larawan ng aktres na si Nadine Lustre at rumored boyfriend niya na si Christophe Bariou.  

 

 

Ito ay matapos kumalat sa social media ang mga litrato kung saan makikitang magkahawak ang mga kamay nina Nadine at ng French guy na matagal nang nali-link sa kanya. 

Marami ang nalungkot na mga tagahanga ng JaDine o ang mga fans ng love team nina James Reid at Nadine Lustre dahil ito na marahil umano ang nagpapatunay sa kumakalat na tsismis tungkol sa dalawa. 

Ani ng isang fan, mas nakumbinse siyang hindi para sa isa’t-isa sina James at Nadine dahil sa bagong kaganapan sa buhay ng Kapamilya actress. 

“This may be inappropriate or insensitive or whatever, but my Jadine heart is breaking for the second time. Nothing has ever convinced me yet that they weren't meant for each other,” saad ng isang fan. 

 

 

Samantala, nagpasalamat naman ang iba pang JaDine fans para sa pagbabahagi sa kanila ng pagmamahalan nila.

“James and Nadine might not be the endgame, but I’ll always be grateful for the love story they shared with us. As long as they’re both happy, it’s a happy ending for me,” ani ng nasabing fan. 

 

 

Hindi ito ang unang beses na nakitang magkasama sina Nadine at Christophe.

Sa katunayan, matagal na nanatili si Nadine sa isla ng Siargao kung saan managing director doon ang umano’y nagpapatibok ng kanyang puso ngayon. 

Is this Nadine Lustre’s new boyfriend?

Sa ngayon, wala pa ring binibigay na kumpirmasyon sa kanyang relasyon kay Christophe. 

Taong 2020 pa nang tinapos nina James at Nadine ang kanilang pagsasama. Gayunpaman, maraming beses pa ring nagkatrabaho ang dalawa lalo na para sa mga kanta ng album ni Nadine nitong Wildest Dreams.