Mga artistang may non-showbiz partners Part 1 | Pushpins

Sinu-sino itong mga artista na may non-showbiz partners?

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/10/2021 08:35 AM
Mga artistang may non-showbiz partners Part 1 | Pushpins

Madalas ay kinikilig ang marami sa mga onscreen pairs sa iba't ibang shows. 

May ilan sa mga artista na ito ay piniling i-level up ang relasyon nila sa kanilang co-stars. 

Samantala, mayroon din naman piniling maging masaya sa kanilang buhay pag-ibig with a non-showbiz partner. 


Sinu-sino sila? 

Let's find out. 

 

Angelica Panganiban 

 

 

Sinorpresa ng aktres na si Angelica Panganiban ang netizens nang mag-post ito noong New Year's Eve ng isang litrato while she is sharing a kiss with a guy. 

Makalipas ang isang buwan ay muling nag-post si Angelica ng litrato at ipinakilala ang boyfriend bilang si Gregg Homan. 

Base sa Instagram profile ni Gregg ay involved ito sa Mangrove Resort Hotel pati na rin sa Bay Marine Subic na nakatoon sa pagbebenta at pagdisenyo ng mga aluminum boats. 

July nitong taon nang ibahagi ni Angelica ang kanilang sweet photo para sa selebrasyon ng kanilang first anniversary. 

 

Alex Gonzaga 

 

 

Isa rin ang aktres na si Alex Gonzaga na mayroong non-showbiz partner na si Mikee Morada. 

Si Mikee ay graduate sa De La Salle University at ngayon ay nakaupo bilang councilor sa kanyang hometown sa Lipa City, Batangas. 

October 2016 nang maging official couple ang dalawa, at makalipas ang tatlong taon ay nag propose si Mikee kay Alex. 

Ngayon ay malapit nang magcelebrate ng kanilang first year bilang mag-asawa sina Alex at Mikee since ikinasal sila sa isang civil wedding sa bahay nina Alex sa Taytay, Rizal noong November 2020. 

 

Maja Salvador 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MAJA (@iammajasalvador)

 

Si Maja Salvador ay kasalukuyang in a relationship sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez.  

Si Rambo ay president ng isang events and public relations company at kasalukuyang namamahala ng isang digital influencer marketing agency. 

Unang naging magkarelasyon sina Maja at Rambo taong 2010 ngunit naghiwalay din sila kalaunan.  

Muling nagkabalikan ang dalawa noong 2019 at ipinagdiwang ang kanilang second anniversary ngayong 2021. 

 

Yam Concepcion

 

 

Ikinasal na ang aktres na si Yam Concepcion sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Miguel Cuunjieng noong July 24 sa New York City. 

Si Miguel ay isang businessman na nakabase at nag-tatrabaho sa New York. 

Six years in the making ang love story nina Yam at Miguel na naging official couple noong 2015. 

Noong June 2021 ay isinapubliko ng dalawa ang kanilang engagement na nangyari habang sila ay nasa Niseko, Japan noong December 2018. 

 

Carlo Aquino 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)

 

Happily in-love din ngayon ang aktor na si Carlo Aquino sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza. 

Isang fashion model, naging model din ng isang car show si Trina kung saan una silang nagkita ni Carlo. 

Their relationship blossomed in 2019 kung kailan nagsimulang ligawan na ni Carlo si Trina na inabot ng sampung buwan. 

Ipinanganak ni Trina ang first baby nila ni Carlo noong Setyembre, at pinangalanang Enola Mithi. 

Anong masasabi ninyo sa mga couples na ito?  

Share your thoughts in the comment box!