• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay AJ Raval, napag-usapan na nila ng kanyang manliligaw na si Aljur Abrenica ang tungkol sa dating asawa nito na si Kylie Padilla.

‘Napakabuting tao’: AJ Raval, posible umanong ma-in love kay Aljur Abrenica

Ayon kay AJ Raval, napag-usapan na nila ng kanyang manliligaw na si Aljur Abrenica ang tungkol sa dating asawa nito na si Kylie Padilla.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/07/2021 08:57 AM
‘Napakabuting tao’: AJ Raval, posible umanong ma-in love kay Aljur Abrenica
Photo Credit: @ajravsss and @ajabrenica Instagram

Aminado si AJ Raval na posible siya umanong mahulog sa aktor na si Aljur Abrenica.

Matapos aminin na nililigawan siya ni Aljur, naging bukas muli si AJ tungkol sa estado ng kanilang relasyon sa panayam sa radio station na DZRH.

Paglilinaw ng AJ, nasa "dating" stage pa lamang sila ng aktor, at hindi pa sila pormal na magkasintahan.


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)

 

Aniya, napagkasunduan nila ni Aljur na mas kilalanin pa nila ang isa't isa dahil nais muna niyang magpokus sa kanyang showbiz career.

Ayon pa sa aktres, na edad 21, "old school" ang istilo ng panliligaw ni Aljur sa kanya.

"Pumupunta po siya sa father ko, nagpapaalam po siya sa mother ko, sa family ko," ani AJ, na anak ng action star na si Jeric Raval at dating sexy star  na si Alyssa Alvarez.

Dagdag pa ni AJ, naiintindihan niya kung bakit siya todo bantay sa kanya ang mga magulang nang malamang nililigawan siya ni Aljur.

"Hindi naman po natin masisisi yun dahil babae po ako," aniya. "Tinatanggap naman po siya. Si Aljur naman po, nakikita naman po nila na totoo po. Maganda po ang intensyon niya.

"Okay naman po sa tatay ko. May mga advice lang na hindi ko rin naman po siguro puwedeng sabihin ngayon dito."

Nang matanong naman kung posible ba siyang mahulog sa aktor, matapang na sagot ni AJ: “Yes po. Puwede po akong ma-in love sa kanya. Kahit sino naman po, napakabuting tao po ni Aljur. Napaka-pure po, totoong tao.

"Possible naman po na ma-in love ako sa kanya."

Nauna nang inamin ni AJ sa eksklusibong panayam ng PEP na nililigawan siya ni Aljur, matapos lumutang ang balitang nag-uugnay sa kanilang dalawa. 

"Yes, totoo. Hindi ako magpapakaipokrita. 'Di na ako magsisinungaling, di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami. Well, totoo naman na nag-uusap kami," aniya.

Kinumpirma rin niya na si Aljur ang tinutukoy niyang secret suitor niya sa vlog na inilabas niya kasama si Donnalyn Bartolome noong Setyembre.

BASAHIN: AJ Raval, inaming nanliligaw sa kanya si Aljur Abrenica

Si AJ at Aljur ay nagkatrabaho sa pelikulang Nerisa na ipinalabas Hulyo nitong taon.

Noon ding buwan na iyon nakumpirma ang balitang naghiwalay na si Aljur at ang asawa nito na si Kylie Padilla.

Pag-amin ni AJ sa panayam sa DZRH, napag-usapan na nila ni Aljur ang naging kasunduan nito at ni Kylie, pero ayaw na niyang magkomento tungkol dito.

"Napapag-usapan naman po namin ang mga ganung bagay. I think napag-usapan naman po nila [ni Kylie] ang ganito. Sinabi niya po sa akin… Pero ayoko naman po sanang pag-usapan ang sa kanila. Pero okay naman po sila," aniya.

BASAHIN: ‘No issue’: Kylie Padilla reacts to rumors linking Aljur Abrenica to AJ Raval

Ayon pa sa aktres, kung sakaling sagutin man niya si Aljur ay wala siyang pakialam kung ano man ang sasabihin ng mga tao.

"To be honest, wala naman din po akong care sa sasabihin ng ibang tao as long as masaya po ako, wala po akong tinatapakang ibang tao," ani AJ. 

"Alam ko po ang ginagawa ko. Alam ko po ang priorities namin. So, siguro po yun lang po. Wala na rin po akong care. Hindi ko lang po iisipin as long as wala naman po akong tinatapakang tao."

Bago maugnay kay Aljur, naka-relasyon ni AJ ang aktor na si Axel Torres. Tumagal nang halos dalawang taon ang kanilang relasyon bago sila tuluyang naghiwalay noong Hunyo.