• Home
  • Fresh Scoops
  • Si Samantha Bernardo ang pang-anim na celebrity housemate na papasok sa Bahay ni Kuya.

Beauty queen Samantha Bernardo, pasok bilang celebrity housemate sa ‘PBB’

Si Samantha Bernardo ang pang-anim na celebrity housemate na papasok sa Bahay ni Kuya.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/07/2021 05:28 PM
Beauty queen Samantha Bernardo, pasok bilang celebrity housemate sa ‘PBB’

Ang Miss Grand International 2020 first runner-up na si Samantha Bernardo ang ika-anim na celebrity housemate na papasok sa loob ng Bahay ni Kuya. 

 

 

Para sa kanyang unang task, nag-live si Samantha sa sikat na streaming app na Kumu. 

Dito, pormal na inanunsyo ng dating PBB housemate na si Andi Abaya ang kanyang pagpasok Pinoy Big Brother.

Samantala, naging emosyonal naman si Samantha nang i-anunsyo na ang kanyang pagpasok sa PBB.

Unang sumali sa beauty pageant si Samantha sa pamamagitan ng Miss World kung saan siya sumabak agad pagkatapos grumadweyt sa kolehiyo. 

Sa una namang pagsali ni Samantha sa Binibining Pilipinas, nasungkit niya ang pwestong second-runner up. 

Bagama’t hindi ito nanalo nang sumali ito noong 2020, si Samantha pa rin ang napiling magrepresenta sa Miss Grand International matapos talikuran ng unang nanalo ang korona. 

Sa kalaunan, siya ang tinanghal na Miss Grand International first-runner up.