Asawa ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada, muling tatakbo sa Lipa

Tuloy ang serbisyo ni Mikee Morada para sa mga taga-Lipa.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/07/2021 10:18 AM
Asawa ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada, muling tatakbo sa Lipa
Photo Credit to Alex Gonzaga Official Facebook Page and @cathygonzaga Instagram

Muling tatakbo bilang konsehal ng Lipa City sa Batangas si Mikee Morada na kilala din bilang mister ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga. 

Pormal na naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Mikee nitong Martes, October 5.

Proud namang ibinahagi ni Alex ang pagtakbo ng kanyang mister online sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga larawan ni Mikee hawak ang COC nito sa Facebook. 


“I am 100% proud and with you all the way my husband!!! Alam ko puso mo to serve and be selfless! Pasensya na asa work din ako di kita nasamahan. Love you my konsi Mikee Morada,” saad ni Alex sa caption ng kanyang post. 

Matatandaang unang nahalal sa pagka-konsehal si Mikee nang tumakbo ito noong 2019. 

Maliban sa mga tao sa Lipa, nakilala rin si Mikee sa labas ng kanyang lugar na nasasakupan dahil sa kanyang misis na si Alex Gonzaga. Mula sa kilalang pamilya ang asawa ni Alex na si Mikee.  

Samantala, kinasal naman ang dalawa Nobyembre noong nakaraang taon ngunit itinago nila ito sa publiko hanggang Enero. 

READ: Alex Gonzaga, Mikee Morada tie the knot in intimate at-home wedding

Maraming beses nang ibinahagi ni Alex sa mga netizens na tuloy ang serbisyo ng kanyang asawa sa Lipa sa gitna ng pandemya habang busy naman siya sa kanyang mga proyekto sa telebisyon at endorsements sa Maynila.