• Home
  • Fresh Scoops
  • Si Madam Inutz ang ikatlong celebrity housemate para sa inaabangang edisyon ng ‘Pinoy Big Brother.’

Madam Inutz, papasok bilang celebrity housemate sa ‘Pinoy Big Brother’

Si Madam Inutz ang ikatlong celebrity housemate para sa inaabangang edisyon ng ‘Pinoy Big Brother.’

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/06/2021 07:26 PM
Madam Inutz, papasok bilang celebrity housemate sa ‘Pinoy Big Brother’

Kumpirmado ang pagpasok ng online sensation na si Daisy Lopez o mas kilala bilang Madam Inutz sa Pinoy Big Brother bilang celebrity housemate. 

“Let’s all welcome our third official celebrity housemate, Ang Mama-bentang Live Seller ng Cavite, Madam Inutz!” saad ng PBB sa isang tweet. 

 


 

Si Madam Inutz ang ikatlong celebrity housemate na inanunsyo na papasok sa pinakasikat na bahay sa buong bansa para sa Pinoy Big Brother season 10. 

Nauna nang ianunsyo ang pagpasok ng volleyball player na si Alyssa Valdez at singer na si KD Estrada. 

Nakilala si Madam Inutz dahil sa kanyang live online selling na kinaaaliwan ng maraming netizens. 

Kamakailan lang ay inilunsad si Madam Inutz bilang isang recording artist. 

Nitong Linggo lamang, inilabas ni Madam Inutz ang kanyang kauna-unahang single na “Inutil.”