• Home
  • Fresh Scoops
  • Tinupad ni Kiray Celis ang hiling ng kanyang kapatid na isang construction worker.

Kiray Celis, sinorpresa ang kapatid na construction worker

Tinupad ni Kiray Celis ang hiling ng kanyang kapatid na isang construction worker.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/06/2021 12:34 PM
Kiray Celis, sinorpresa ang kapatid na construction worker
Photo Credit: @kiraycelis Instagram | Kiray Celis Youtube Channel

Tinupad ni Kiray Celis ang hiling ng kanyang kapatid na isang construction worker.

Sa kanyang pinakabagong vlog, sinorpresa ng aktres ang kanyang kuya ng bagong motor na aniya ay matagal na nitong pangarap.


"Ngayon isu-surprise ko 'yung kapatid ko ng pangarap niyang motor. Ilang taon na niya akong kinukulit dito. Ang tagal na niyang sinasabi sa akin kaso nag-ipon pa ako para mabilhan ko siya ng motor. Pero this time, nagawa ko na ang pag-iipon kaya bibilhin ko na siya ngayon tapos pupunta tayo ngayon kung saan siya nagtatrabaho para makita niyo at ma-explain ko mamaya kung gaano ka-deserve ng kapatid ko na mabilhan ko siya ng ganitong klase ng motor," ani Kiray.

Matapos bilhin ang motor ay inihatid ito ni Kiray kasama ang kanyang nobyo sa isang construction site sa Recto kung saan nagtatrabaho ang kanyang kuya.

Kwento ni Kiray, may sariling pamilya na ang kanyang kuya, ngunit nakatira pa rin ito kasama ng kanilang pamilya.

"FYI, si kuya ay may dalawa ng anak, babae. Nakatira pa rin sila sa amin. [Pero] siyempre, hindi naman artista ako eh iaasa na niya lahat sa akin," aniya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

 

Ayon naman sa kuya ng aktres, hindi ito nahihiyang maging construction worker kahit pa artista ang kanyang kapatid, dahil para naman ito sa kanyang pamilya.

Pagbabahagi pa nito, marami umano ang nagugulat na malaman na kapatid niya si Kiray.

"Marami silang tanong lagi. 'Uy kapatid mo si Kiray? Hindi nga?' Meron pa nga nagtsi-tsimisan sa likod ko, eh. 'Kapatid ba ni Kiray 'yan? Bakit nagco-construction?' Ganun," aniya.

Samantala, hindi naman mapigilan ng kuya ni Kiray ang tuwa sa natanggap nitong sorpresa mula sa kanya.

"Sobrang ganda grabe. Hindi ko in-expect 'to na bibilhan ako ng kapatid ko," aniya.

"Charot! Hindi niya raw ine-expect. In-expect niya talaga 'yan. Matigas mukha nito eh," biro naman ng aktres.

"Sana makatulong 'to sa trabaho mo kuya. Magpursige ka pa sa trabaho mo, at maging masipag ka pa lalo," dagdag pa niya.

Nangako naman si Kiray sa kanyang kuya na kapag lumaki na ang kanyang ipon ay mas magandang motor na ang bibilhin nito para sa kanya.

BASAHIN: ‘Ibibigay ko lahat ng kaya ko’: Kiray Celis surprises parents with money bouquet

Unang nakilala si Kiray bilang cast member ng kiddie gag show na Goin' Bulilit. Naging parte rin siya ng sikat na mga palabas na Kampanerang Kuba, Mara Clara, 100 Days To Heaven, at Luv U.