• Home
  • Fresh Scoops
  • Si KD Estrada ang pangalawang celebrity housemate na papasok sa ‘Pinoy Big Brother.’

KD Estrada, papasok bilang celebrity housemate sa ‘Pinoy Big Brother’

Si KD Estrada ang pangalawang celebrity housemate na papasok sa ‘Pinoy Big Brother.’

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/06/2021 07:46 PM
KD Estrada, papasok bilang celebrity housemate sa ‘Pinoy Big Brother’

Ang binatilyong singer na si KD Estrada ang pangalawang inanunsyo ng Pinoy Big Brother bilang celebrity housemate sa edisyong ito. 

 

 

“KD Estrada, Ang Musical Wonder Boy ng Parañaque, is the second official celebrity housemate!” saad ng Pinoy Big Brother sa isang tweet. 

Si Alyssa Valdez ang kauna-unahang celebrity housemate na papasok sa loob ng Bahay ni Kuya. 

Kilala si KD sa kanyang mga TikTok kung saan mayroon siyang mahigit 600,000 followers. Dito, marami ang kinikilig na netizens kay KD dahil sa nakaka-in love nitong boses. 

Nitong Hunyo, nakasama ni KD si Heaven Peralejo para sa Chinese version ng kantang “Mabagal” nina Daniel Padilla at Moira Dela Torre. 

Nitong Hulyo naman, naglabas si KD ng kanta kasama ang Kapamilya star na si Loisa Andalio. 

Siya din ang umawit ng “Dreams Don’t Wait” na bahagi ng official soundtrack ng hit serye na Marry Me, Marry You.

Bahagi din si KD ng expanded version ng Gold Squad na Squad Plus.