Herbert Bautista tatakbong Senador

Herbert Bautista, balik politika pagkatapos ng ilang taon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/06/2021 06:01 PM
Herbert Bautista tatakbong Senador

Naghain na ng kandidatura bilang senador ang actor at dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista. Tatakbo si Bistek (palayaw ni Herbert sa showbiz) sa ilalim ng senatorial slate nina Sen. Ping Lacson at Sen. Tito Sotto ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na tumatakbo naman sa pagka-presidente at bise-presidente, respectively.

“Ito po yung kauna-unahang journey ko sa larangan ng public service after more than three decades of serving the people of Quezon City,” pahayag ni Bistek pagkatapos niyang mag-file ng COC.

READ: Was Kris Aquino referring to Herbert Bautista in latest post on social media?


Sa sumunod na pahayag ni Bistek pinasalamatan niya ang mga taong naging bahagi ng buhay niya bilang public servant partikular na ang kanyang mga kababayan sa Quezon City.

Aniya, “I’d like to thank the people of Quezon City – from the security guards to the magta-taho, to the tricycle drivers, to the barangay leaders, to the elected city leaders. Maraming maraming salamat po at naging bahagi kayo ng buhay ko.

“Marami po akong natutunan sa inyo at sana po ay tulungan n’yo pa rin ako sa panibagong yugto ng aking buhay upang makatulong naman tayo sa mas nakakarami, hindi lamang Quezon City kundi ang buong bansa.

“Sa muli, maraming maraming salamat po and God bless you all.”

Sa previous interview ng PUSH kay Bistek ay nagbahagi siya kung ano ang maipapayo niya sa mga katulad niyang artista na gusto ring pasukin ang pulitika. Dito niya sinabi na dapat daw ay maging handa sila sa larangang papasukin.

READ: Herbert Bautista may payo sa mga artistang may political ambitions

“Iba kasi yung naging dating ko, eh. I started serving the people sa barangay namin as youth leader sa Kabataang Barangay and I was just 17 years old. I was studying 4th year high school and then nag-aartista ako noon – may sitcom ako, soap opera and a live show every Sunday.

“And then, as a youth leader, tuluy-tuloy na siya, hindi na siya naputol except nung natalo ako nung 1998, pero nung time na yon nagtapos naman ako ng pag-aaral ko and I took up two master’s degrees.

“So kung meron tayong mga kasama, mga kapatid natin na nasa industriya, it’s not enough na sandigan natin yung katanyagan natin. Kailangan nating maghanda, kailangan nating mag-prepare. Kasi masakit pagsabihan na, ‘Kaya naman naging ano yan kasi artista yan.’ That’s very very offensive.

“Para maiwasan natin na ma-offend tayo, from the beginning let’s not also offend them by being prepared,” pahayag niya noon sa PUSH.

Matatandaang tatlong terminong nagsilibi si Bistek sa Quezon City bilang konsehal, vice mayor at mayor kaya hindi puwedeng pagdudahan ang kakayahan niya sa paggawa ng mga batas kapag nahalal siyang senador sa May 2022.