• Home
  • Fresh Scoops
  • Si Alyssa Valdez ang unang housemate na papasok sa loob ng bahay ni Kuya.

Alyssa Valdez, inanunsyo bilang unang ‘Pinoy Big Brother’ celebrity housemate

Si Alyssa Valdez ang unang housemate na papasok sa loob ng bahay ni Kuya.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/06/2021 06:59 PM
Alyssa Valdez, inanunsyo bilang unang ‘Pinoy Big Brother’ celebrity housemate

Napili ang volleyball player na si Alyssa Valdez bilang isa sa mga housemates ng inaabangang  Pinoy Big Brother season 10. 

Nitong Martes, Oktubre 6, ibinahagi ng sikat na volleyball player sa kanyang Twitter account ang mga larawan kung saan makikitang hawak-hawak niya ang kulay berde na envelope. 

 


 

Bago pa man ito, naglabas sa Twitter ng teaser ang PBB kung saan makikita ang isang babae para sa #PBBCelebBigReveal.  

“She sets her boundAries to be Valuable!” saad ni PBB sa caption ng tweet na may kasama pang volleyball emoji. 

 

 

Sa Kumu, kinumpirma ni Alyssa ang kanyang pagpasok sa loob ng Bahay ni Kuya. 

Pagbabahagi ni Alyssa, nakasaad sa kanyang natanggap na liham mula kay Kuya na kailangan niyang mag-live sa Kumu. 

Humingi naman ng suporta si Alyssa sa kanyang mga tagahanga para sa kanyang tatahaking landas. 

“Kinabakahan ako. Pero I’m looking forward na makausap si Kuya,” ani Alyssa. 

Binalikan din ni Alyssa ang kanyang pagpasok sa loob ng bahay ni Kuya noon kung saan tinuruan niya ang mga teen housemates kung paano maglaro ng volleyball. 

Sa kalagitnaan ng kanyang livestream, biglang pumasok ang host na Bianca Gonzalez. 

Dito, kinumpirma ni Bianca na si Alyssa ang kauna-unahang celebrity housemate para sa edisyong ito. 

Ani Alyssa, nagdesisyon siyang sumali sa PBB upang malaman kung ano pa ang kanyang kayang magawa at upang magbigay inspirasyon sa mga kabataan.