• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagsalita na si AJ Raval sa isyung nag-uugnay sa kanya at sa aktor na si Aljur Abrenica.

AJ Raval, inaming nanliligaw sa kanya si Aljur Abrenica

Nagsalita na si AJ Raval sa isyung nag-uugnay sa kanya at sa aktor na si Aljur Abrenica.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/06/2021 11:49 AM
AJ Raval, inaming nanliligaw sa kanya si Aljur Abrenica
Photo Credit: @ajravsss and @ajabrenica Instagram

Nagsalita na si AJ Raval sa isyung nag-uugnay sa kanya at sa aktor na si Aljur Abrenica.

Sa eksklusibong panayam ng PEP nitong Martes, Oktubre 5, kinumpirma ni AJ na totoong nanliligaw sa kanya si Aljur. 

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)

 

"Yes, totoo. Hindi ako magpapakaipokrita. 'Di na ako magsisinungaling, di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami," ani ng aktres, na anak ng action star na si Jeric Raval.

"Well, totoo naman na nag-uusap kami," dagdag niya.

Setyembre nang unang lumutang ang balitang nag-uugnay kina Aljur at AJ, na nagkatrabaho sa pelikulang Nerisa nitong taon.

Ito ay matapos na mapansin ng ilang netizens ang retrato na ibinihagi ni Aljur sa Facebook kung saan makikitang wala itong pang-itaas na damit habang nagkakape sa veranda.

Ayon sa netizens, ang bintana sa litrato ni Aljur ay kapareho ng bintana sa bahay ni AJ sa Pampanga, na ipinasilip niya sa kanyang "Cleaning My Room" vlog noong Mayo.

Agad naman itong nakarating kay AJ, na tila natawa lang sa isyu.

"LUH ISSUE KAYO HAHAHAHA," aniya sa kanyang caption sa Facebook, na may kasamang rolling eyes emoji.

Bago nito ay nagpahiwatig din si AJ tungkol sa isang manliligaw niya sa isang vlog kasama si Donnalyn Bartolome noong Setyembre 13.

"'Yung nag-iisa na yun, ramdam na ramdam ko talaga na special ako," aniya.

Pero nang tanungin ni Donnalyn kung may pag-asa bang sagutin niya ang kanyang secret suitor, sagot ni AJ noon, "Hindi pa, pero na-appreciate ko siya. Pero 'di pa lang ako ready rin pumasok sa relationship kasi kakagaling ko lang sa relationship."

Nitong Hunyo ay kinumpirma ni AJ na hiwalay na sila ng kanyang nobyo na si  Axel Torres matapos ang halos dalawang taong relasyon.

BASAHIN: AJ Raval hiwalay na sa BF na ex-PBB housemate na si Axel Torres

Pag-amin pa ni AJ sa panayam ng PEP, si Aljur nga ang tinutukoy niya noong secret suitor sa kanyang vlog.

"Yes, siya. Nag-uusap kami," aniya.

"We understand each other. We care for each other. Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know..."

Samantala, Hulyo nitong taon nang makumpirmang hiwalay na si Aljur sa misis nitong si Kylie Padilla. 

Ikinasal ang dalawa noong Disyembre 2018, at mayroon silang dalawang anak na sina Alas Joaquin at si Axl Romeo.

Matapos lumabas ang balitang nag-uugnay kina Aljur at AJ ay agad namang nagbigay ng pahayag si Kylie.

Ani ng aktres: “THERE is no issue. We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this.

"I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left." 

BASAHIN: ‘No issue’: Kylie Padilla reacts to rumors linking Aljur Abrenica to AJ Raval

Ayon pa kay Kylie, tanging ang kasiyahan at seguridad ng kanilang mga anak ang importante sa kanila ni Aljur.

"Thank you for everyone’s concern. The boys are happy and stable. Which is our main priority. Love and light to everyone," aniya.