• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin naman ni John Wayne na wala siyang naipong pera sa bangko.

PANOORIN: John Wayne Sace, binalikan ang pagkalulong sa droga; muntikang panghu-holdap

Inamin naman ni John Wayne na wala siyang naipong pera sa bangko.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/05/2021 03:20 PM
PANOORIN: John Wayne Sace, binalikan ang pagkalulong sa droga; muntikang panghu-holdap
Screenshot from Ogie Diaz YouTube Channel

Binalikan ng aktor na si John Wayne Sace ang pagkakakulong niya sa droga noon. 

Matatandaang 2016 nang pansamantalang mawala si John Wayne sa mundo ng showbiz matapos madawit sa watchlist ng operasyon ng gobyerno kontra-droga.


Sa panayam ni John Wayne sa showbiz personality na si Ogie Diaz, inamin nito na “na-praning” umano siya ng mga panahong iyon. 

“Na-praning kasi halos nagkakapatayan na tapos malapit lang sa kabilang barangay,” ani John Wayne. 

Gayunpaman, hindi umano naging madali sa kanya ang itigil ang paggamit ng droga noong mga panahong iyon. 

“Hindi mo kasi siya matitigil kasi gusto mo lang itigil dahil napapraning ka. Ayoko na lang din siyang alalahanin kasi parang trauma na lang din ‘yung nangyari sa akin,” ani John Wayne. 

Ibinahagi naman ni John Wayne na dumating ang panahon na walang-wala siya sa kalagitnaan ng kanyang karera. 

“Pero ako kasi, hindi naman ako laking mayaman eh. Ang pamilya ko, sa streets lang din ako lumaki. So, meron o wala, sanay ako eh. Sadyang hindi ko siya na-control. Mawalan man ako ng pera, kailangan dumiskarte sa buhay,” ani John Wayne. 

Inamin ni John Wayne na muntik na siyang mang-holdup sa isang babae noon ngunit hindi niya ito itinuloy matapos nitong maglulupasay sa harap niya.

“Muntik na ako talagang mang-holdup dati. Ayan nandiyan na, babae. Nag-iiyak lang. Naglulupasay. Kasi-sweldo lang nun. Alam namin ang swelduhan nun. Sabi ko, ’Tumayo ka na diyan.’ Tapos ‘yung kasama ko, nag-away kami,” ani John Wayne.

READ: John Wayne Sace asks for another chance in showbiz

Nagawa umano ito ni John Wayne dahil sa pagka-desperado niya sa buhay lalo pa’t may bisyo umano siya.

Ngunit agad namang napagtanto ni John Wayne na hindi umano siya ganoong klaseng tao. 

Humingi naman umano si John Wayne ng paumanhin sa babae lalo na noong nalaman niyang para sa pamilya ng babae ‘yung pera. 

Inamin naman ni John Wayne na wala na siyang pera ngayon sa bangko.  

Nagpasalamat naman si John Wayne kay Emman Abeleda na dati niyang ka-miyembro nito sa ASAP boy dance group na AnimE. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Samantala, sinabi naman ni John Wayne na hindi pa siya nawawalan ng pag-asa hanggang ngayon. 

Unang nakilala si John Wayne sa kanyang karakter na Bingo Bartolome sa pelikulang Dekada ’70 na inilabas noong 2002. 

Huli namang napanood si John Wayne sa Kapamilya network sa seryeng Forevermore na pinagbidahan noon nina Enrique Gil at Liza Soberano.