• Home
  • Fresh Scoops
  • Prioridad ni Ganiel Krishnan ngayon ang ipagpatuloy ang kaniyang karera bilang isang journalist.

Miss World PH Organization accepts Ganiel Krishnan’s resignation as second princess

Prioridad ni Ganiel Krishnan ngayon ang ipagpatuloy ang kaniyang karera bilang isang journalist.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/05/2021 11:14 PM
Miss World PH Organization accepts Ganiel Krishnan’s resignation as second princess

Matapos ang naging coronation night ng Miss World Philippines nitong nagdaang Linggo, October 3, kung saan kinoronahan si Tracey Maureen Perez ng Cebu bilang Miss World Philippines, isang anunsyo naman ang inihayag ng Miss World Philippines second princess na si Ganiel Krishnan.

READ: Cebuana beauty Tracey Maureen Perez crowned Miss World Philippines 2021

Sa pamamagitan ng mahabang social media post, inihayag ni Ganiel ang kaniyang pagbibitiw bilang Miss World Philippines Second Princess.


“I regret to inform you of my decision to relinquish my Miss World Philippines Second Princess 2021 title and consequently resign from the Miss World Organization effective immediately,” pahayag ni Ganiel sa statement posted sa kaniyang Facebook page.

Ayon sa hinirang na Miss World Second Princess, prioridad niya na pagtuunan ng pansin ang kaniyang serbisyo sa bayan bilang isang entertainment reporter at isang Kapamilya sa ABS-CBN News.

“As you very well know, I have a thriving career as a lifestyle and entertainment news reporter in ABS-CBN before I entered the competition and have never kept my intentions to go back to it a secret, regardless of the outcome of the pageant.

“While I am deeply honored to have been named a Princess in this year’s MWP search, my contractual obligations with the network will not allow me to serve two masters. Realizing this led me into making a decision to pursue the dream which will have the greater impact to actually serving my fellow Filipinos and that is through broadcasting,” bahagi pa ng pahayag sa post.

Ayon pa kay Ganiel, malaki ang kaniyang pasasalamat sa Miss World Philippines Organization na naniwala sa kaniyang potensiyal bilang isang beauty queen.

“I wish to thank you, Mr. Arnold L. Vegafria, as well as the entire MWP Organization, for taking good care of us and providing all of pageant participants wonderful experiences that we will surely cherish for a lifetime. I also wish my queen sisters the best of luck in their respective endeavors in the future.

“I truly am grateful to have joined Miss World Philippines 2021, which also marks my last foray into the world of pageantry. It was one big learning experience for me which, I know, will help me score even greater triumphs in the future,” pahayag ng entertainment reporter kalakip ang pasasalamat.

Samantala, sa pamamagitan rin ng isang statement, tinanggap naman ng pamunuan ng Miss World Philippines ang naging resignation ni Krishnan bilang second princess.

Ayon sa kanila nirerespeto nila ang naging desisyon ng Pinay beauty sa pagbibitiw nito.

 

 

“The Miss World Philippines Organization respects Ganiel Krishnan’s decision to relinquish her title as MWP 2021 Second Princess to resume and prioritize her career as a journalist,” pahayag ng MWP Organization sa page.

Samantala, hahalili naman kay Ganiel bilang second princess si Janelle Lewis.