• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Huwag Kang Mangamba’ star Francine Diaz answers netizens’ assumptions about her in her latest vlog.

Francine Diaz denies competing with fellow actors: ‘Hindi ako na-i-insecure sa mga kasamahan ko’

‘Huwag Kang Mangamba’ star Francine Diaz answers netizens’ assumptions about her in her latest vlog.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

10/05/2021 08:50 AM
Francine Diaz denies competing with fellow actors: ‘Hindi ako na-i-insecure sa mga kasamahan ko’
Screenshot from Francine Diaz YouTube Channel

After returning to vlogging after a one-year hiatus, Francine Diaz let her followers get to know more about her in her latest YouTube video where the kapamilya actress answered assumptions about her. The 17-year-old actress first revealed that she is not as prim and proper as her image onscreen in shows like Kadenang Ginto and Huwag kang Mangamba.

“Kasi depende yan kung sino yung mga kasama ko. Like kunwari kasama ko yung mga best friends ko like si Jayda (Avanzado), si Ashley (Diaz), yan yung sobrang ingay ko talaga. Pati sila ate pag nasa bahay lang kami. Yung pagiging makulit ko, inaayon ko yun sa mga taong kasama ko. Pag naglalaro kami ng mga kapatid ko sumisigaw kasi kami. Normal lang sa amin yun. Pero siyempre pag nasa trabaho ako ba’t ako sisigaw? Eh di napagalitan ako. Pag nasa bahay ako makakabasag talaga ako ng lahat ng babasagin dito (laughs),” she said.

READ: Francine Diaz buys a house and car for her family


Francine also denied that she is overly nice but she is also not moody in real life.

“Nirerespeto ko yung mga taong nakakasalamuha ko everyday. Mabait ako sa kanila. Pero yung super mabait no. Hindi ako perfect. Minsan meron akong sinusungitan na mga friends at mga tao sa bahay. Kung tingin niyo masungit ako, tinawag niyo ako tapos hindi ako lumingon or hindi ko kayo na-notice, puwede kasing baka may ginagawa ako at that time or hindi ko narinig or kung nasaang lugar man tayo nun baka kasi maingay. Tapos minsan naman kasi kapag pagod ka, lutang yung utak mo. Talagang tulala ka lang. Ako pa naman pag pagod ako, para talaga akong masungit at pag tinatawag ako hindi ko naririnig.

“Hindi ko alam kung maniniwala kayo pero dati kasi nag-workshop kami ng Star Magic tapos kasama ko yung ate ko. Yung nanay ng classmate ko sa workshop nag-he-hello sa akin. Pero yung focus ko hanapin kung saan yung room namin sa workshop. So sa kakahanap ko, kahit nasa harapan ko na yung mommy ng classmate ko, hindi ko siya napansin. Ganun ako kalutang talaga madalas minsan. Basta approachable ako. Kung tingin niyo masungit ako dahil hindi ko kayo napansin. Sana wala na itong COVID para pag ganun puwede niyo akong kalabitin at mas makikita ko kayo ng harap harapan,” she explained.

READ: Francine Diaz returns to YouTube with new vlog ‘Simply Francine’

When one of her followers asked her if she felt like she was in competition with her peers in showbiz, Francine clarified that this was never true for her.

“Hindi ko naman kailangan makipag-compete sa mga kasabay ko lalo na dito sa showbiz kasi naniniwala ako may sarili tayong time para mag-bloom. So kung mas sikat itong tao na ‘to or kung sino man siya kesa sa akin, I’m happy for her or for him. Siyempre hindi naman makakarating sa taas ang tao kung hindi niya pinaghirapan yun.

“And kung nandito siya tapos nandito ako it’s okay kasi for me part yun ng process ko and part yung ng journey ko. At hihintayin ko yung tamang oras na mag-sa-shine ako or mag-bu-bloom ako. Kasi I trust in His timing. Nagtitiwala ako sa timing ni Bro. Kaya wala akong kakompetensiya. Hindi ko naman tinitingnan or tinuturing na kalaban ko dahil ang tanging kalaban ko lang naman dito ay sarili ko. Yung sarili ko kahapon kailangan ko siyang talunin para maging better version ako ng sarili ko today,” she shared.

The talented teen star showed maturity in explaining why she never felt insecure of those who are more popular or successful than her in showbiz.

“Hindi ako na-i-insecure sa mga kasamahan ko sa showbiz na mas sikat sa akin. Actually natutuwa ako sa kanila. ‘Pag tinitingnan ko sila, na-i-inspire ako. Walang halong joke ha. Hindi ko ito sinu-sugarcoat promise. Hindi ako na-i-insecure sa kanila. Na-i-insecure ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung paano ko siya i-e-explain pero wala naman akong tinuturing na kalaban dito bukod sa sarili ko. Kalaban ko yung sarili ko. Actually yung mga sikat na artista ngayon, nakakatuwa kasi pagka nagkaroon ako ng chance na maka-kuwentuhan sila, alam mo yung hindi sila mayabang. So nakakatuwa na kahit mataas silang tao, sobrang humble nila,” she added.

Watch the vlog here: 

A protective family member and friend, Francine said she would go to great lengths to protect the ones she loves.

“Alam niyo kung puwede ko lang suntukin yung mga nang-aaway sa mga best friends ko, sa mga nanakit sa kanila, gagawin ko. Also sa family ko. I don’t like people na nang-bu-bully. May bully kasi na pang friends eh. Yun yung ma-ge-gets natin kasi siyempre tropa mo naman. Pero kahit na tropa mo dapat may limit ka pa rin. Pero yung mang-bu-bully ka ng kapwa mo tao, hindi yan maganda, hindi yan mabuti, at hindi dapat yan ginagawa ng kahit sino. Kasi yung pang-bu-bully niyo, hindi niyo alam yung magiging epekto niyan sa tao na binully niyo. Be careful sa mga words na sasabhihin natin, sa mga gagawin nating kilos. Please lang, let’s be kind. Alam ko minsan naiirita tayo, naiinis tayo sa mga bagay bagay. Pero huwag natin idamay yung mga tao sa problema natin,” she said.

When asked why she does not have a boyfriend yet, Francine revealed it is a conscious choice for her in order to focus on her priorities in life right now.

“Hindi naman sa ayaw, hindi pa ako ready kasi alam ko na madami pa akong responsibilities pa na kailangan ko pagtuonan ng pansin kesa sa love life. Although nagkakaroon ako ng mga crushes. Pero siyempre alam mo yung happy happy crush lang, yung nakakakilig lang, nakaka-inspire, nakakapag-pa-blush sa iyo, yung mga ganyan. Pero hindi naman talaga sa ayaw, it’s just pinipili ko na mag-focus sa trabaho at sa pag-aaral ngayon,” she added.