PANOORIN: Beks Battalion, nag-ala ‘Squid Game’ sa bagong vlog

Naglaro ng ‘Squid Gays’ ang Beks Battalion.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/04/2021 06:55 PM
PANOORIN: Beks Battalion, nag-ala ‘Squid Game’ sa bagong vlog
Photo credit: @chadkinis IG

Naglabas ng bagong vlog ang Beks Battalion kung saan naglaro sila ng “Red Light Green Light” na hango sa sikat na Netflix series na Squid Game.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Chad Kinis (@chadkinis)


 

Kapag gumalaw sila habang nakatitig si Chad, “babarilin” sila ng tubig ng lalaking nakasuot ng pulang costume. 

Habang umaabante ang bawat round, mas lalo ding humihirap ang laro sa iba’t-ibang twists. 

PANOORIN: Beks Battalion, prinank si Angeline Quinto

May nakapatong na limang daang piso sa bawat isa sa walong players na sumali sa laro. 

Tinawag naman na “Squid Gays” ng magkakaibigan ang bersyon nila ng nasabing laro. 

Samantala, si Scarlet naman ang nanalo na nakakuha ng apat na libong piso. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Marami naman ang natuwa sa nasabing vlog na nakakuha agad ng mahigit 650,000 views sa loob lamang ng bente oras. 

Kasalukuyan, nasa pang-apat na pwesto ng top trending videos sa YouTube ang vlog ni Chad Kinis. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Chad Kinis (@chadkinis)

 

Mayroon ng 1.71 million subscribers si Chad Kinis sa YouTube samantalang umabot na ng 1.98 million subscribers ang Beks Battalion sa YouTube.