• Home
  • Fresh Scoops
  • May pakiusap si Maymay Entrata sa mga tagahanga ng tambalan nila ni Donny Pangilinan.

Maymay Entrata, may pakiusap sa ‘MayDon’ fans

May pakiusap si Maymay Entrata sa mga tagahanga ng tambalan nila ni Donny Pangilinan.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/04/2021 12:03 PM
Maymay Entrata, may pakiusap sa ‘MayDon’ fans
Photo Credit: @maymay Instagram

May pakiusap si Maymay Entrata sa mga tagahanga ng tambalan nila ni Donny Pangilinan.

Sa Twitter, nagpasalamat ang aktres sa kanyang mga tagahanga, kabilang na ang "MayDon" fans, para sa kanilang patuloy na suporta.

"Gusto kong magpasalamat sa bawat isa sa mga sumusuporta sa akin since day one. Sa lahat ng MayDon fans, thank you," aniya.


Ngunit ani Maymay, gusto rin umano niyang klaruhin na walang namamagitan sa kanilang dalawa ni Donny.

Nakiusap din siya sa kanilang mga tagahanga na huminto na sa pagkalat ng balita tungkol sa kanila.

"Sana ma-stop po ang pag-spread ng rumors aboyt sa amin. Maraming salamat po," aniya.

 

 

Hindi ito ang unang beses na itinanggi ni Maymay ang isyung nag-uugnay sa kanila ni Donny.

Sa panayam ni DJ JhaiHo para sa Hotspot noong Hunyo, itinanggi rin ni Maymay na may relasyon sila ni Donny.

"Siguro nagsimula 'yan kay Donny dahil kasama ko siya lagi sa iWant ASAP. At doon yata may mga clip na parang nami-misunderstood nila 'yung mga galawan namin, 'yung smile namin, na akala nila nagtitinginan. Hindi ko alam talaga. Jusko day! Pero, hindi po kami ni Donny," aniya.

Nilinaw din ng aktres na hindi sila magkarelasyon ni Edward Barber, na kanyang love team partner nang maraming taon.

"Hindi ako in a relationship kay Donny or kay Edward man...Wala po kahit sino sa showbiz, wala," aniya.

BASAHIN: Maymay Entrata’s wish for her career: ‘Nawa’y kasing ganito kapayapa ang susunod na mga taon’

Mensahe naman ni Maymay sa kanyang mga tagahanga: "Nagpapasalamat din ako sa lahat talaga ng mga fan na kumbaga kahit di ako nage-effort na pasayahin kayo, pinapasaya niyo ang sarili niyo. Joke, sorry. Naa-appreciate ko 'yon at natutuwa lang din naman ako. Pero para maging clear ang lahat hindi ako kay Donny. Wala pong kahit sino sa showbiz na in a relationship ako."

Paglilinaw ng aktres, hindi umano parte ng show business ang taong nagpapasaya sa kanya ngayon.

"Nabanggit ko na naman po ito sa isang magazine na may nagpapasaya sa akin. Opo. Hanggang doon na lang. Basta wala sa showbiz," aniya.