Madam Inutz hindi makapaniwalang recording artist na: ‘Kasi ang alam ko lang magtinda ng ukay-ukay online’

Maadam Inutz, meron nang sariling single.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/04/2021 07:51 PM
Madam Inutz hindi makapaniwalang recording artist na: ‘Kasi ang alam ko lang magtinda ng ukay-ukay online’
Screenshot from Daisy Lopez YouTube Channel

Recording artist na  ang social media sensation na si Madam Inutz o Daisy Lopez sa totoong buhay. Ini-release na ang kanyang debut single na ang title ay “Inutil” na base sa famous catch line na binabanggit niya tuwing magkakaroon ng  online selling sa Facebook.

Ang former Mr. Gay World title holder, businessman  at philanthropist na si Wilbert Tolentino na tumatayong manager ngayon ni Madam Inutz ang dahilan para maging ganap na recording star ang ukay-ukay online seller.

Ibinahagi ni Madam Inutz ang naging preparasyon niya sa pagre-record ng debut single. Kabilang na raw dito ang pag-aaral ng lyrics at hindi pag-inom ng malaming na tubig.


“Pinag-aralan ko muna yung lyrics, yung bawat linya kung sa tingin ko ay bagay ba sa aking pagkatao. Tapos, pinakinggan ko ang melody sa demo nang paulit-ulit. Hanggang sa ma-memorize ko na.

“Ilang araw din akong hindi uminom ng malamig na tubig at binawasan ang pagsigaw sa online selling para makondisyon ang boses ko. Yung kanta ko kasi merong konting pagsigaw at kailangan ng energy kaya tumahimik muna ako,” kuwento ni Madam Inutz sa PUSH.

READ: Madam Inutz, umalis sa Star Image; nagulat nang malaman na ‘walang expiration’ ang kanyang kontrata

Dagdag pa niya, “Hindi naman ako nahirapan sa kanta dahil sa umpisa pa lang memorize ko na. Umabot lang kami ng mahigit dalawang oras sa recording.”

Malaki naman ang pasasalamat niya sa tiwalang ibinigay ng kanyang manager para magkaroon ng bagong career bukod sa pag-o-online selling.

“Malaki ang pasasalamat ko sa pagkakataong ibinigay sa akin. Biro mo sa edad kong ito puwede pa pala akong kumanta at magkaroon ng single. Hahaha! Sa dinami-dami ng mga mas bata sa akin na nangangarap maging recording artist na may sariling music video, ako pa ang napili ng tadhana. Siyempre, sa tulong ito ng aking one and only manager na si Sir Wilbert,” very grateful niyang pahayag.

Aminado rin si Madam Inutz na hindi sumagi sa isip niya noon na magiging recording artist.

“No, hindi! Sa totoo lang, hindi sumagi sa isip ko na sisikat ako sa pagmumura online. Kasi ang alam ko lang, magtinda ng ukay-ukay online para lang may pambayad sa upa at panggamot sa nanay ko na na-stroke at five years nang bedridden.

“Pero may dumating na anghel sa buhay ko at binigyan ako ng opportunity na maging singer at recortding artist. Siyempre, hindi ko tatanggihan ang grasyang ito,” deklara niya.

WATCH THE MUSIC VIDEO:

May paliwanag naman si Wilbert kung bakit ang “Inutil” ang napili niyang maging single ni Madam Inutz.

“Yung kanta kasi pasok sa pagkatao niya at sa kanyang boses .Higit sa lahat, pangmasa. Madali rin itong sayawin, madaling kantahin plus, mahalaga na catchy talaga ang song,” sabi ng talent manager na isa ring social media influencer.

Samantala, bukod sa pagiging recording artist, gusto rin ng manager ni Madam Inutz na maging exposed ito sa showbiz, ma-experience ang pag-aartista at maging sikat na vlogger.

Mapapakinggan ang Inutil sa Spotify, Apple Music, Amazon Music, Deezer, Tidal, Vevo, Tiktok, Youtube Music, Beatport, Instagram, Snapchat, Twitch, Shazam, iTunes, Facebook, iTunesRadio at iba pa.