Chito Roño, napiling bagong direktor ng ‘Darna’

Si Chito Roño na ang magdi-direct ng ‘Darna’ series.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/04/2021 05:02 PM
Chito Roño, napiling bagong direktor ng ‘Darna’

Matapos ang matagal na paghihintay para sa inaabangang Kapamilya fantaserye na Darna, pinangalanan na rin ng ABS-CBN ang taong inaabangang hahawak sa proyekto. 

Ang napiling direktor ay ang tinaguriang “master director” na si Chito Roño na muling nagbabalik sa telebisyon matapos ang pamamahinga ng halos isang dekada. 

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)

 

Samantala, magsisimula na na ang taping para sa nasabing proyekto ngayong Nobyembre. 

Si Jane de Leon napiling gumanap sa paboritong superhero ng bayan na Darna.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)

 

Samantala, inaasahan naman ang pag-anunsyo ng Kapamilya network sa iba pang mga aktor na mga napiling gumanap sa mga karakter para sa inaabangang fantaserye. 

Tinawag naman na isa sa pinakamalaking proyekto ng ABS-CBN ang Darna na ipapalabas sa 2022. Tumatak din sa mga tao ang mga pelikulang idinirek ni Direk Chito tulad ng Feng Shui at The Ghost Bride.

Iza Calzado opens up about journey leading to Darna role in upcoming TV adaptation

Kilala si Chito Roño bilang direktor ng mga fantaserye ng Imortal, Lastikman, at Spirits.

Taong 2013 ng ipalabas ang huling serye ni Chito Roño sa ABS-CBN na Maria Mercedes.

Gagawin sa ilalim ng JRB Creative Production ang Darna.