Cebuana beauty Tracey Maureen Perez crowned Miss World Philippines 2021

Another Cebuana beauty clinches a beauty title.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/04/2021 03:29 PM
Cebuana beauty Tracey Maureen Perez crowned Miss World Philippines 2021
Miss World Philippines 2021 Tracey Maureen Perez

Kinilala na nitong Linggo, October 3, ang bagong mga reyna sa ilalim ng Miss World Philippines Organization.

Sa naganap na coronation night sa Subic Bay Exhibition and Convention Center, Olongapo City sa Zambales, ipinasa ni Miss World Philippines Michelle Dee ang titulo sa Cebuana beauty na si Tracey Maureen Perez.

Stand out si Perez mula sa 44 candidates na naglaban laban para maging susunod na representative ng Pilipinas sa iba’t ibang pageant stage.


Sa question and answer portion, lalong umangat si Perez sa naging sagot niya sa tanong kung ano ang nais niyang matutunan ng tao matapos ang COVID-19 Pandemic.

 

 

“After this pandemic, I hope that we never take for granted the family that we have, taking care of our health, and taking care of the people that protect us, our leaders, our frontliners. We should always give importance to those people. We may not see the efforts that they give out, but most definitely they are our modern heroes. And for that we should always be grateful, and that we should always stick with them and pray for them. Thank you,” sambit ni Perez.

Hindi na bago sa larangan ng pageant ang Cebuana beauty, sa katunayan isa rin sa mga produkto ng local pageant sa Cebu si Perez kung saan kinoronahan siyang Binibining Cebu 2018.

 

 

Bukod kay Perez, kinoronahan din si Kathleen Paton from Aklan bilang Miss Eco Philippines 2021, Emmanuelle Vera from Taguig City bilang Reina Hispanoamericana Filipinas 2021, Trisha Martinez from Pila, Laguna bilang Miss Tourism Philippines 2021, Miss Environment Philippines 2021 si Michelle Arceo from Quezon City, Miss Multinational Philippines 2021 Shaila Rebortera from Cebu, Miss Eco Teen Philippines 2021 Tatyana Austria from Paranaque City habang Miss World First Princess si Riana Pangindian from Pasig City, at Miss World Second Princess si Ganiel Krishnan from Kawit, Cavite.

Sa darating na Disyembre gaganapin sa Puerto Rico ang Miss World Pageant kung saan lalaban ang Pinay beauty, Kung papalarin si Perez na ang ikalawang Pilipina na kokoronahan bilang Miss World na huling nasungkit ni Megan Young noong 2013.