• Home
  • Fresh Scoops
  • KD Estrada, naging emosyonal pagkatapos matanggap ang isang package.

PBB celebrity housemate KD Estrada pinayuhan ni Big Brother tungkol sa mental health

KD Estrada, naging emosyonal pagkatapos matanggap ang isang package.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/31/2021 08:25 PM
PBB celebrity housemate KD Estrada pinayuhan ni Big Brother tungkol sa mental health

Naging emosyonal ang Pinoy Big Brother (PBB) celebrity housemate na si KD Estrada sa loob ng bahay ni Kuya nang matanggap niya ang isang package mula sa “outside world.” Ang package ay naglalaman ng kanyang high school diploma na may kasama pang sulat mula sa kanyang pamilya sa Parañaque. 

Hindi naiwasang maglabas ng saloobin ang Star Magic artist na aminadong hindi madali para magbahagi ng kanyang totoong nararamdaman sa mga kasamahang  housemates patungkol sa natanggap na package. 

Mas pinili ni KD na tumalikod sa mga kasamahan habang nagsasalita para daw mas maging kumportable siya. 


Ngayong taon, bago ako grumadweyt, I stopped going to school. Wala… napagod lang ako sa online class. I didn’t like online class talaga,” pagbabahagi ng Squad Plus member. 

Read:KD Estrada, papasok bilang celebrity housemate sa ‘Pinoy Big Brother’

Ayon pa sa binata, ang pakiramdam daw niya ay naging pabigat siya sa kanyang pamilya dahil hindi niya itinuloy ang kanyang pag-aaral. 

Lahad niya,  “I had an anxiety attack a few months ago na I was going to fail. It’s all my fault. Dahil sa anxiety attack ko nilabas ko lahat ng nararamdaman ko sa parents ko. I felt I’m such a burden, na napakasama kong tao, naging burden ako sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko.” 

Kapansin-pansin ang pagiging introvert ni KD sa loob ng PBB house. Mas gusto niyang mapag-isa at hindi masyadong nagso-socialize sa mga housemates. 

Sorry kung nararamdaman niyo na parang hindi ako nagsasalita kasi ayokong maging burden sa inyo,” sabi pa ng binata

Emosyonal ding naglabas ng nararamdaman si KD sa confession room habang kinakausap ni Big Brother. 

“I stopped going to school which is napaka-selfish na desisyon, di ba? Hindi ko alam kung anong naisip ko nu’n, eh. Ang tanga-tanga ko talaga,” pagtatapat niya kay Kuya. 

“Kaya ngayon, I really want to go to college but my parents are scared that I’ll do the same thing, eh… 

“Mom, Dad, sorry talaga. When I get back I promise I’ll make you proud. I’m going to finish college. I’m going to get a business and I’ll be a producer. Lahat yan, I’ll do that for you,” pangako niya sa mga magulang. 

Pinayuhan naman si KD ni Kuya tungkol sa mental health. 

Maganda ang intensyon mo. Wag mong maliitin ang mga pinagdaanan mo. Sa panahon ngayon, KD, importanteng bagay ang mental health at isa ako sa mga sumusuporta nito. 

“Yung pinagdaanan mo, hindi ka nag-iisa. Hindi mali at mas lalong hindi pabigat,” paalala sa kanya ni Big Brother. 

Kung ikaw ay nakakaranas ng anxiety o depresyon, maaaring makipag-ugnayan sa mga suicide prevention hotlines na ito:  Hopeline sa 0918-873-4673 (Smart), 0917-558-4673 (Globe), at (02) 8804-4673 (PLDT).