• Home
  • Fresh Scoops
  • Magsasama sina Nadine Lustre at Diego Loyzaga sa isang proyekto na ididirek ni Yam Laranas.

Nadine Lustre, makakasama si Diego Loyzaga sa bagong proyekto sa VIVA

Magsasama sina Nadine Lustre at Diego Loyzaga sa isang proyekto na ididirek ni Yam Laranas.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/31/2021 02:29 PM
Nadine Lustre, makakasama si Diego Loyzaga sa bagong proyekto sa VIVA
Photo credit: @nadine and @diegoloyzaga Instagram

Tuloy na tuloy na nga ang pagbabalik ni Nadine Lustre sa big screen — at ang makakasama niya sa nasabing proyekto ay walang iba kundi ang aktor na si Diego Loyzaga. 

Nitong nakaraang linggo, ibinahagi ng direktor na si Yam Laranas ang mga litrato mula sa kanilang virtual table read kung saan kasama din ang batikang aktor na si Epy Quizon. 

READ: Nadine Lustre leaves VIVA, now “self-managed”


Gayunpaman, hindi nagbigay ng detalye si Yam ukol sa nasabing proyekto na gagawin ni Nadine maliban sa ito ay ipo-produce ng VIVA at Meshlab. 

Tingnan ang larawan sa ibaba: 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Yam Laranas (@yamlaranas)

Matatandaang umalis ng VIVA Artists Agency si Nadine dahil sa kanyang exclusive contract na magtatapos sa 2029 na tinawag niyang “illegal” at “oppresive.” 

Hunyo naman nitong taon nang magdesisyon ang Quezon City Regional Trial Court na kailangan umanong respetuhin ni Nadine ang mga obligasyon niya sa VIVA Artists Agency. 

BASAHIN: Nadine Lustre, babalik sa Viva

Taong 2019 pa nang huling gumawa ng pelikula ni Nadine sa VIVA, ang Indak. Mula Enero noong 2020, si Nadine na ang humahawak sa kanyang karera.