• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘House Tour’ actress Sunshine Guimary looks back on her days starting out as a sexy star in showbiz.

Sunshine Guimary reveals how she prepared for sexy scenes: ‘Kailangan kong malasing muna’

‘House Tour’ actress Sunshine Guimary looks back on her days starting out as a sexy star in showbiz.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

10/30/2021 11:16 AM
Sunshine Guimary reveals how she prepared for sexy scenes: ‘Kailangan kong malasing muna’
Photo credit: @sunshine_guimary Instagram

As one of the stars of the new Vivamax movie House Tour, actress Sunshine Guimary said her newest role is something she was very proud to do. 

“Challenging siya sa akin especially dahil baguhan ako and iba kasi siya sa genre na nagawa ko from the past two movies and ito kasi parang nandito na yung drama na hinahanap ko at yung action, yung patayan na hinahanap ko dati nandito sa pelikulang ito. Kaya pinaghirapan talaga namin ang movie na ‘to.

“Isa ito sa pinaka excited ako sa mga nagawa ko na kakaibang character. Malayo siya sa Kaka, malayo din siya sa Shoot! Shoot! Itong House Tour isa ito sa pinaka proud na proud ako kasi binigay ko yung hindi ko inakalang kaya ko pa palang ibigay. At yung twist sa character ko, sa ending may pasabog sa character na ‘to and to all my barako fans pala I love you all. Iba ito sa nakikita nilang sexy na gagawin ko. Medyo yung pagka daring nito parang beyond sa nagawa ko before. Isa ito sa matutuwa yung mga fans at makikita nila yung serious na side ko. Less na yung medyo kalog at lukaret. More na ‘to sa mga serious na bagay at sana maging dire-diretso na ako sa mga serious na pelikula,” she said.


READ: ‘Braless vlogger’ Sunshine Guimary gusto ring makilala bilang seryosong aktres

Known onscreen for her sexy roles, Sunshine said she is not one to be affected by whatever negative comments people have to say about her online.

“Unang una, wala akong pakialam sa sasabihin ng mga tao. Good or bad, wala akong care, siguro as much as wala akong inaapakan na tao. Gawin ko lang yung trabaho ko. Anyway nasa sa kanila naman yun kung papanuorin nila or hindi.

“Sa pagpapa-sexy, sa ngayon ini-enjoy ko siya, siguro hindi enjoy yung term. Parang tini-take advantage ko lang yung panahon na parang medyo bagay pa sa sarili ko yung mga bagay na yan at ayoko kasing dumating yung point na parang late na, late ka na magpapa-sexy na parang masagwa na siyang tingnan sa mga tao. For now na parang ini-enjoy ko lang yung mga panahon na okay pa, kay pa siyang tingnan. Sa pagpapa-sexy hindi pa ako Viva ang mga post ko sa IG ganun na kasi at mahirap ata yung baguhin na pag pumasok ako sa showbiz balot na balot, parang hindi na rin ako kinuha ng Viva,” she explained.

READ: Sunshine Guimary sinugod ng stalker sa bahay dahil sa house tour vlog: ‘Trauma ang nangyari sa akin’

During the House Tour mediacon, Sunshine revealed how she used to prepare before doing any intimate scenes when she was starting out as an actress.

“Dati umiinom pa ako. Kailangan kong malasing muna, ganyan. Tapos parang may mga request ako sa director na kung puwede less tao, less ganito, ganyan. Ngayon parang medyo nakapag-adjust na ako ng konti. Unang una pag nag-co-communicate si direk. Napaka-supportive niyan. Lahat ng support binibigay sa amin. Nung pagkuha ko na yung gusto ni direk sa character, totally naked tapos lalaruin natin sa ganito, kukunin ko muna yung buong laman ng bed scene. Sa umpisa, sa gitna, hanggang sa matapos yung bed scene. At kung kaya talaga na gusto ko isang bagsakan kasi para ring mas natural yung isang bagsakan na bed scene.

“Parang sinasaniban ko na lang yung sarili ko sa character. Kailangan talaga in character. Minsan naba-badtrip din ako kasi kahit nag-le-less na ng tao siyempre nakahubad ka pa rin, andun pa rin yung kaba at pressure, ganun pa rin yung sana maganda ang kinalalabasan ng bed scene na ‘to at may kuwento, may libog factor din na hindi puwedeng mawala. Sa ngayon hindi na ako ganun kabado compared sa day one na kailangan ko talagang lasingin yung sarili ko para mabigay ko ng todo yung kailangan. Ngayon nakuha ko na yung character na galing sa halikan, galing sa bed, hanggang sa matapos siya. Yun yung isa sa mga preparation na naiba. Hindi na ako naglalasing this time,” she revealed.

READ: Sunshine Guimary reacts to comparison with Ivana Alawi: ‘Masaya ako, kasi ibang level si Ivana’

With a slew of Vivamax movies under her belt this year, Sunshine said she is not considering of taking any vacation even during the holidays in December.

“Ako mas gusto ko mag-work, work, work lalo na nung nalaman ko na bukas na ang sinehan. It’s good news sa lahat. Gusto ko talaga magkaroon kahit papaano ng pelikula or part ako sa pelikula sa big screen. Kung darating yun on a holiday, hindi na ako siguro mag-ha-holiday. I-me-memorize ko na yung first line to end. Kailangan memorize na memorize ko na yun. Focused ako sa work, work, work. Sana meron at meron pa at dun ako.

“Ang holiday hindi ko pa siya masyadong i-a-advance  kasi parang happy lang ako na bukas na ang sinehan at sana magkaroon gn trabaho. Sa akin parang hindi na siya super special yung holiday kasi parang nakakasawa na yung mga tao sa bahay. Everyday holiday pero Christmas parang hindi na ako ganun ka-into holidays especially Christmas. I feel sadness during Christmas. Ewan ko bakit. Sa lahat ng season, si Christmas talaga yung parang nandun lahat ng lungkot, una yung panahon maulan, parang hindi siya alive na alive so dun ako siguro medyo especially sa bahay na malayo ako sa parents ko and dalawa lang kami sa bahay so parang parang wala sa akin ang Christmas. So kung mag-open yung ibang places, better na dun na lang siguro mag-spend ng Christmas,” she said.

House Tour stars Sunshine Guimary, Cindy Miranda, Diego Loyzaga, Mark Anthony Fernandez, and Marco Gomez. It is now available for streaming on Vivamax.