• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Viral Scandal’ actor Vance Larena talks about his latest role in the family drama series.

EXCLUSIVE: Vance Larena on being patient with his showbiz career: ‘Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tayo ang bida’

‘Viral Scandal’ actor Vance Larena talks about his latest role in the family drama series.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

10/30/2021 09:19 AM
EXCLUSIVE: Vance Larena on being patient with his showbiz career: ‘Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tayo ang bida’
Photo credit: @vancelarena Instagram

After being part of FPJ’s Ang Probinsyano earlier this year, actor Vance Larena said he looked forward to being part of another exciting series with the upcoming series Viral Scandal which starts in November.

“I felt so happy and honored dahil napakaganda ng material ng Viral Scandal tapos makakasama ko pa ang ilan sa magagaling na artista at direktor sa bansa.  Sobrang inspiring nilang lahat, ang dami kong natutunan sa kanila hindi lamang sa pag-arte pati na rin sa buhay. Ang role dito si Archie Soliman dito. Part siya ng grupo ni Jiggs Ramones (played by Markus Paterson), kami yung mga parang elite ng Sidero at girlfriend ko dito si Ms. Aya Fernandez na si Ella,” he told PUSH in an exclusive interview. 

READ: Vance Larena on auditioning for PBB: ‘Ilang beses akong hindi natanggap’


Vance, who officially joined the Star Magic family this year, said he was well prepared before they went into lock-in taping for the show.

“I attended workshops again prior and during taping cycles. Thankful po ako sa Star Magic dahil ‘yung dalawang workshops na inattendan ko – Star Magic Workshop Masterclass with direk Rahyan Carlos and Script Appreciation Workshop with Sir Ricky Lee. Sila ang nagbigay at malaki ang naitulong para makapag-prepare ako sa role kong si Archie Soliman sa Viral Scandal. Ang Star Magic din  ang nagbigay ng fitness program with Coach Migs and Coaches Jim and Toni Saret para naman mas maging malakas at mabawasan ang aking timbang. Kinailangan ko din gupitan ang aking buhok para mas maging ‘cool’. Ang challenge siguro ay kahit mayroon tayong iba’t ibang personalidad, may certain nuances or behavior at pananalita ang mga ‘elite’ na kinakailangan ko din pong aralin,” he shared.

READ: Vance Larena shares struggle with mental health: ‘It’s not easy but progress is the key’

Last month, Vance opened up about his mental health struggles during the lockdown. But the talented Viral Scandal actor said he is in a better place now and has used his recent struggles as a way to help him improve in his craft. Vance shared how he overcame that difficult time in his life.

“Una na siguro ay ang disiplina at pagalalaga sa katawan sa pamamagitan ng pag exercise, pagkain ng tama, pagtulog ng maayos etc. dahil naniniwala ako na totoo ang koneksyon ng healthy body at healthy mind.

“Malaking tulong din ang meditation at musika at iba pang mga relaxation techniques. Sa simpleng pagtanggap na hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay, maitutuon natin ang ating atensyon sa kung ano ang totoong nag-ma-matter sa ating buhay. 

“Pumapasok din dito ang kahalagahan ng suporta ng pamilya’t mga kaibigan. Kung kayo ay may pinagdadaanan, just talk to someone at kung kinakailangan, magkonsulta sa physician o therapist for professional help.

“Naniniwala ako na hindi lamang ito nakakatulong for me to become a better actor but also to become a better person. Hangga’t maaari, sa pagtulong ko sa aking sariling kalusugan, natutulungan ko din ang aking mga kapwa actor at buong produksyon upang mapagaan ang kanilang trabaho. Lahat tayo’y may pinagdadaanan kaya imbis na makaapekto ito sa daloy ng trabaho, idinadaan ko nalang siya sa kinakailangang panghugot ng emosyon sa pagaaral man ng karakter o kapag umaarte na,” he explained.

READ: EXCLUSIVE: Vance Larena releases first single ‘Tama’ under Star Music; says it’s a dream come true

Vance admitted that one of the hardest challenges during the pandemic was for him to not be able to be with his friends and family.

“Mabuti na lamang at mayroon tayong teknoholiya para kahit papaano makausap sila pero iba pa rin talaga sa personal. Nagkataon lang din na kaliwa’t kanan ang quarantine at lock-ins pero kapag may oras at pagkakataon, ginagrab ko ang opportunity na makasama muli sila provided na we follow safety and health protocols. Dun sa lock-in taping naman ang worry ko lang talaga ay para sa kalusugan at safety hindi lamang naming mga actor pati na rin sa mga uuwian naming pamilya. Mabuti na lamang ay nakatutok at mahigpit ang produksyon sa pagpapatupad ng safety protocols bukod sa pagiging bakunado namin, pag-quarantine at pag-RT PCR bago magsimula ng taping cycle,” he said.

Having started out with a career in theater, Vance is thankful to finally be getting bigger and bigger opportunities in showbiz in both television and film projects.

“Lubos akong nagpapasalamat sa suporta at appreciation sa aking craft bilang actor. Ito po ay nagsisilbing inspirasyon para mas mapabuti ko pa ang aking trabaho dahil sabi nga, you’re only as good as your last performance. Hindi rin natin alam kung kailan pa tayo makakakuha ng mga ganitong opportunities kaya hangga’t maaari we must always do our best.

“Sa kung anong advice na maibibigay ko, siguro ipapasa ko nalang din ang natutunan ko sa ating kaibigang si ate Dimples Romana na to ‘be fulfilled’. Hindi sa lahat ng pagkakataon makukuha natin ang ating gusto pero pwede tayong maging fulfilled sa kung ano ang meron tayo sa kasalukuyan. Halimbawa, hindi sa lahat ng pagkakataon ay tayo ang bida sa isang palabas pero sa simpleng pagyakap at pagiging grateful sa kung anong role ang mapunta sa atin, mas nagkakaroon ng kulay at kahulugan ang ating ginagawa, Progress is always better than perfection,” he explained.

The Viral Scandal actor also shared what would be his idea of a dream role right now. “Someone with a true story or someone from our history that made an impact [on] the lives of people simply because apart from learning  a lot from their lives, we get to inspire and show their life story and its message to bring about change and transformation through the medium of filmmaking,” he added.