Cindy Miranda, bilib sa pagiging strong ni Kylie Padilla

Minsan nang na-link si Cindy Miranda kay Aljur Abrenica.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/30/2021 03:19 PM
Cindy Miranda, bilib sa pagiging strong ni Kylie Padilla
Photo credit: @cindy and @kylienicolepadilla Instagram

Pagkatapos mapagbintangang “third party” noon sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla ay handa si Cindy Miranda na makaharap ang ex-wife ni Aljur. Sina Cindy at Aljur ay naging screen partners sa pelikulang Nerisa ng Viva Films.

Kaagad na nawala ang tsismis ng romantic involvement nina Cindy and Aljur nang lumabas ang balitang si AJ Raval na nasa cast din ng Nerisa, ang totoong nililigawan ng aktor.

“If ever magkasalubong man kami ni Kylie, I really want to meet Kylie kasi naano ako sa kanya, sobrang strong niyang tao. Yon ang pakiramdam ko sa kanya and I hope she’s okay right now,” sabi ni Cindy.


READ: Cindy Miranda, naapektuhan sa pagkaka-link sa kanya sa hiwalayang Aljur Abrenica-Kylie Padilla

Nagpahayag din ang dating beauty queen ng interes na  makatrabaho si Kylie in the future.

“I don’t think merong something (isyu) sa aming dalawa kasi wala talaga. Ako, natutuwa ako na nakatrabaho ko si Aljur for the first time sa Nerisa. Kung anuman sana yung problema between her and Aljur, sana maayos na.

“Lahat naman ng bagay, naaayos, and I can’t wait to meet her, kung mapanood man niya ito. Looking forward ako to meet her and work with her in the future,” lahad pa ni Cindy na isa sa mga cast members ng My Husband, My Lover.

Sa digital presscon ng naturang pelikula ay natanong din si Cindy kung may idea ba siya noon na nagkakamabutihan sina AJ at Aljur sa shooting ng Nerisa, pero ang tugon dito ni Cindy, wala naman daw siyang napansin.

Deklara ni Cindy, “Actually, nung time po ng Nerisa, wala po ako sa sarili. Naka-isolate po ako. I will be honest, hindi ko po talaga alam.

“Wala po akong moments with them, with my co-actors during that time, kasi sobrang bigat ni Nerisa. Wala po akong narinig na ganyan. Nagulat din po ako.

“Sana yung isyu, nakikita ko naman po sa social media, friends ko naman si AJ at saka si Aljur, I hope maayos kung anuman yung gulo. And alam ko naman na maaayos yan.

“I’m hoping na maging okay po lahat kasi kaibigan ko sila. Alam ko na nahihirapan sila sa sitwasyon. Ang dami kasing namba-bash, nababasa ko, so sana maging okay silang tatlo,” dagdag ni Cindy.

READ: Cindy Miranda on doing a love scene with Mark Anthony Fernandez in ‘House Tour’: ‘Ang sarap niyang katrabaho’

Aminado naman si Cindy na tanggap na niya ang negatibong epekto ng pagpasok niya sa showbiz.

“Pag-usapan natin yung sa negative side, madami na siguro akong na-experience. Siyempre, yon nga, naisyu ako, napagbintangan akong kabit, third party, kasi nakatrabaho ko si Aljur.

“Ayoko talagang maapektuhan ng mga ganun kasi alam mo naman yung totoo sa sarili mo. But at some point, maaapektuhan ka, even your family, masasaktan talaga lalo na grabe, grabe yung isyu. I think alam naman ng lahat na naging biktima talaga ako sa isyu na yan. But I really don’t mind kasi part na yan ng pag-aartista. Talagang ganun, namamali talaga ang mga tao.

“And yun ang negative side ng pag-aartista na pinagbibintangan ka nila sa mga bagay na hindi naman talaga nila alam yung totoong istorya. Sa akin, wala talaga. Siguro, naapektuhan ako because yung family ko, sobrang grabe, ang dami nilang nababasa sa social media. Pero ako sa sarili ko, alam ko naman yung totoo,” tuluy-tuloy na paliwanag ni Cindy.

Anyway, kasama ni Cindy sa My Husband, My Lover sina Adrian Alandy, Kylie Verzosa at Marco Gumabao. The film is directed by Mac Alejandre.